HORI7ON at ang Pangako ng Post-P-pop
Sa kasalukuyang yugto ng hyphenated identity isinilang ang HORI7ON (호라이즌), ang kauna-unahang Filipino boy band na nagdebut sa South Korea noong 24 Hulyo 2023. Kinabibilangan nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda ang grupo. Sila ang piton...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Archīum Ateneo
2025
|
Subjects: | |
Online Access: | https://archium.ateneo.edu/katipunan/vol12/iss1/11 https://archium.ateneo.edu/context/katipunan/article/1114/viewcontent/Katipunan_2012.1_202024_20__20Angeles_20__20HORI7ON_20at_20ang_20Pangako_20ng_20Post_P_pop.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | Ateneo De Manila University |
Summary: | Sa kasalukuyang yugto ng hyphenated identity isinilang ang HORI7ON (호라이즌), ang kauna-unahang Filipino boy band na nagdebut sa South Korea noong 24 Hulyo 2023. Kinabibilangan nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda ang grupo. Sila ang pitong nanguna sa animnapu’t dalawang kalahok ng survival competition series na Dream Maker na inere sa A2Z at Kapamilya Channel—sa cable at satellite TV, Facebook, at YouTube—mula 19 Nobyembre 2022 hanggang 12 Pebrero 2023. Nang pirmahan ng ABS-CBN at ng mga South Korean na entidad na MLD Entertainment at KAMP Global ang kontrata sa paglulunsad ng Dream Maker, G-pop o Global Pop ang marketing sa mabubuong grupo, at hindi isang K-pop o Korean Pop group. Gayunman, kinukutya ng ilang fans ng P-pop o Pinoy Pop ang HORI7ON, sapagkat hindi diumano isang tunay na P-pop group ang HORI7ON, at ni hindi sila dapat nagtanghal sa Pinoy Pop Convention and Concert (PPOPCON) noong Hulyo 2023. Sisikapin ng papel na ito na suriin ang pagbuo sa at pag-iral ng HORI7ON bilang kadugtong ng Hallyu o Korean Wave sa postkolonyal na kalagayan ng Pilipinas. Tutukuyin at paghahambingin ang mga lokal na pag-unawa sa P-pop at ihahambing ang mga ito sa mga konsepto ng K-pop at G-pop, upang linawin kung manipestasyon ba ang grupo ng posibilidad ng isang bagong penomenon na maaari nang tawaging “post-P-pop.” |
---|