Ang Dunamismo Ng Meron Sa Tula Ni Parmenides

etapisiko ang pagkiling ng tula ni Parmenides. Isa itong pagmumuni sa malalim na karanasan ng may-akda sa meron. Kilala ang paninindigan ni Parmenides na isa at hindi nagbabago ang meron. Dito nagmumumula ang mga pananaw ng ilang mga komentarista na statiko ang meron ayon kay Parmenides. Lalabas mul...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Strebel, Wilhelm Patrick Joseph S
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2015
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/philo-faculty-pubs/19
http://scientia-sanbeda.org/wp-content/uploads/2017/07/Vol-4.1-W-P-J-Strebel.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:etapisiko ang pagkiling ng tula ni Parmenides. Isa itong pagmumuni sa malalim na karanasan ng may-akda sa meron. Kilala ang paninindigan ni Parmenides na isa at hindi nagbabago ang meron. Dito nagmumumula ang mga pananaw ng ilang mga komentarista na statiko ang meron ayon kay Parmenides. Lalabas mula sa ating pagtalakay na ang pagtanaw sa meron bilang statiko 1 ay lumilihis sa nakagisnan ni Par-menides. Marapat lamang na dito tayo magsimula: sa tanong hinggil sa duna¬mismo ng meron. Dunamiko nga ba ang meron ayon kay Parmenides? Maaari nga bang tanungin ang tanong na ito sa isang tekstong hayagang nagmumuni-muni sa meron bilang isa, di-nagbabago at dimasalang? Samakatwid, kailangan nating magsimula sa isang pag-mumuni tungkol sa kahulugan ng dunamismo. Griyegong kataga ang ύ (dunamis): pagkakaroon ng kapangyarihan. Ang abot-tanaw na ginagalawan dito ng kapangyarihan ay ang kakayahang magpasimuno at magsagawa ng pagbabago sa anumang apektado nito. Ang kapangyarihang ito ba ay namamayani sa sarili o ito ba’y tumutungo sa iba? Ano nga ba ang katayuan ng anumang may kapangyarihan sa ibabaw ng iba? Hindi nga ba ito nagbabago dahil nangingibabaw ito sa kanyang mga bunga? Samakatwid, nakaharap tayo ngayon dito sa isang napakagriyegong tanong: Ano nga ba ang kahulugan natin ng pagbabago at ano ang kaugnayan nito sa kaganapan at kapangyarihan at hangganan? Naririnig natin ngayon ang alingawngaw ng sinaunang problema ng isa at ng marami sa ibabaw at ilalim ng ating kasalukuyang pagtatanong. Ano nga ba ang katayuan ng meron bilang isa sa harap ng pagkasamu’t-sari at kawalan ng kaganapan ng sanlibutan? Sa ating pagbabalik sa abot-tanaw ng katagang dunamis sa Griyego, agad nating nakikita kung paano ito naiiba sa ating kasalukuyang pag-iisip na dala na rin ng pa-ghango ng wikang Ingles sa katagang ito. Sa abot-tanaw ng katagang Ingles, ang dynamic bilang pang-uri ay may kinalaman sa patuloy na pagbabago, paglilipat, pag-aareglo at pag-unlad. Kung sa bagay, nakikita pa rin natin ang kaug¬nayan sa sinaunang abot-tanaw ngunit kailangan pa ring maging matalas sa pagkakaiba. Pareho sabay iba kung kaya’t mahalaga ang masusing pagkilatis. Kung ihaharap natin sa teksto ni Parmenides ang tanong tungkol sa dunamismo ng meron, kailangan ngayon nating maging mulat sa konteksto ng kanyang pagmumuni habang nananatiling bukas sa kalaliman at kalawakan ng ating tinutukoy kung binabanggit natin ang dunamis. Hindi tayo maaaring maipit sa isang manipis na depinisyon ng dunamis habang tinitingnan ang teksto ni Parmenides. Wala itong kahahantungan kundi ang karumal-dumal na pagpupumilit pagkasyahin ang kalaliman ng pagmumuni ni Parmenides sa isang kahon na tayo rin lamang ang lumikha para sa ating mga sarili. Hindi ganito. Sa halip, ibibinbin natin ang tanong. Susuriin muna natin ang abot-tanaw ni Parmenides. Susuriin natin ang kanyang teksto mismo at sa huli maghahain tayo ng ilang mga puna ng iba pang palaisip. Maingat nating gagawin ito habang isinasaalang-alang ang nakita na nating tunog ng katagang dunamis ngayong namulat na tayo sa antigong anyo nito sa sinaunang Griyego. Marami pa tayong masasabi hinggil sa mga tanong sa itaas habang tumutubo ang ating paksa. Sa ngayon, magsimula tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang pambungad hinggil kay Parmenides mismo at ang ginalawan ng kanyang paghahagilap. Palaging nakatutulong kung isasakonteksto natin ang isang palaisip sa loob ng kanyang lugar sa kasaysayan ng pilosopiya bago tayo magsimulang magbasa at magmuni sa kanyang sulatin. Samakatwid isasaalang-alang natin ang ilang mga impluwensya na nag-aruga sa pagtubo ng kanyang pagmumuni-muni. Ngunit, magsisilbi lamang itong tulong bilang pambungad sa atin. Nawa’y hindi maging sagabal sa atin ito at makatungo tayo sa tunay na pag-uunawa