Ang Awit Bilang Remix: Katutubo, Wika, at Pilosopiya

Pakay ng sanaysay na ito na ilarawan ang mga hakbang ng pamimilosopiya sa Filipino. Pinapanukala ng papel na posibleng tignan ang Ibong Adarna bilang akdang pilosopikal. Pinapanukala ng papel na ito na ang pagsusulat ng mga awit at korido, mga popular na teksto, ay impormado ng pilosopikal na hinaga...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Miroy, Jovino G
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2021
Subjects:
Online Access:https://archium.ateneo.edu/philo-faculty-pubs/48
http://unitasust.net/?filter_by=volumes&search_from=archive_page&s=93
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Pakay ng sanaysay na ito na ilarawan ang mga hakbang ng pamimilosopiya sa Filipino. Pinapanukala ng papel na posibleng tignan ang Ibong Adarna bilang akdang pilosopikal. Pinapanukala ng papel na ito na ang pagsusulat ng mga awit at korido, mga popular na teksto, ay impormado ng pilosopikal na hinagap. Naglalarawan ito ng limang hakbang tungo sa pakay na ipaliwanag ang kamalayang iyon. Sa unang hakbang, ipapakitang posibleng unawain ang Ibong Adarna nang pilosopikal at nakikipag-diyalogo sa Europeong Modernismo. Sa ikalawang hakbang, tatanungin kung may konsepto ng pilosopiya sa Pilipinas na iba sa kontruksyon niyon sa kanluran. Sa ikatlong hakbang, tatanungin kung ano ang lugar ng ala-ala, pagbalik, at katutubo sa pilosopiya ng Ibong Adarna. Sa ika-apat, ipapaliwanag na ang katutubo sa abot tanaw din ng mga awit at korido ay ang boses ng subalterno o nasa-isang-tabi (peripero). Ang Filipino bilang wika ng pilosopiya ay kilos at pagbibigay boses sa walang boses. Sa wakas, ang subersibo at naka-gagambalang kilos ng pagbubuo ng poskolonyal na pilosopiya ay nauunawaan ito bilang Inobasyon hindi lamang paglikha kungdi bilang remix. Mga Susing Salita Ibong Adarna, awit at corrido, poskolonyal na pilosopiyang Filipino