Ang Babaye sa Lunok kag Iban pa nga mga Sugilanon nga Indi Mapatihan Apang Matuod: Isang Pampanitikang Salin

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, isa sa mga kasanayan sa pagkatuto na dapat matamo ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay magkaroon ng pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan sa mga akda mula sa ng iba’t ibang rehiyon. Gayunman, hindi maitatatwa na may kadahupan sa mga salin ng mga akdang ito sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Monterey, Maria Fe
Format: text
Published: Archīum Ateneo 2021
Subjects:
n/a
Online Access:https://archium.ateneo.edu/theses-dissertations/513
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: Ateneo De Manila University
Description
Summary:Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, isa sa mga kasanayan sa pagkatuto na dapat matamo ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ay magkaroon ng pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan sa mga akda mula sa ng iba’t ibang rehiyon. Gayunman, hindi maitatatwa na may kadahupan sa mga salin ng mga akdang ito sa Filipino partikular na sa mga akdang mula sa Kanlurang Visayas. Dahil dito, tila nakakahon ang pagkatuto sa panitikang Hiligaynon sa iilang tekstong nakapaloob sa mga aklat na ginagamit sa sekondarya. Tunguhin ng tesis na ito na maisalin sa Filipino sa kauna-unahang pagkakataon, ang lima sa mga kuwento ni Maria Luisa Defante-Gibraltar mula sa kalipunan ng kaniyang kuwento na Ang Babae sa Lunok at iba pa nga mga Sugilanon nga Indi Mapatihan Apang Matuod. Upang maisagawa nang maayos ang nasabing pagsasalin, kailangang mailatag ang mga panuntunang dapat sundin at suliraning dapat harapin ng isang tagasalin sa pagsasa-Filipino ng mga akdang Hiligaynon. Sa pagsipat din sa kasaysayan at kulturang nakapaloob sa bawat kuwento maging ang tumbasang dapat tukuyin at kasangkapanin sa wikang Hilagaynon at Filipino, inaasahang mas magiging madulas ang pagsasalin. Sa ganitong paraan, inaasahang mas mauunawaan ito ng mga mag-aaral at gayundin ng mga mambabasa na hindi pamilyar sa panitikang Hiligaynon. Mula sa resulta ng pagsasaling ito, tuluyang maitatanghal ang yaman ng wika at kulturang nakapaloob sa nasabing panitikan. Maaaring maging daan din ito upang maisalin sa Filipino at mabasa ng higit na nakararami hindi lamang ang mga akda ni Gibraltar maging ang ilang tekstong rehiyonal na tila ba nakagapos sa kanilang orihinal na wika.