Isang paghahambing: konsepto ng paghahanapbuhay sa sariling lugar at sa ibang lugar ng mga piling Aeta mula sa Bayan ng Zambales.
Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle -Dasmarinas Lokasyon: Lungsod ng Dasmarinas, Cavite Pamagat: Isang Paghahambing: Konsepto ng Paghahanapbuhay sa Sariling Lugar at sa Ibang Lugar ng mga Piling Aeta mula sa Bayan ng Zambales Mga Mananaliksik: Anne Malyn R. Liwag Alexa D. Umali Pi...
Saved in:
Main Authors: | , |
---|---|
Format: | Theses and Dissertations NonPeerReviewed |
Published: |
2014
|
Subjects: | |
Online Access: | http://thesis.dlsud.edu.ph/113/1/LiwagUmali%20...%20-%20Aeta.pdf http://thesis.dlsud.edu.ph/113/ |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Summary: | Pangalan ng Institusyon: Pamantasang De La Salle -Dasmarinas
Lokasyon: Lungsod ng Dasmarinas, Cavite
Pamagat: Isang Paghahambing: Konsepto ng Paghahanapbuhay sa Sariling
Lugar at sa Ibang Lugar ng mga Piling Aeta mula sa Bayan ng Zambales
Mga Mananaliksik: Anne Malyn R. Liwag
Alexa D. Umali
Pinagkuhanan ng pondo: Mga Magulang
Nagsimula: Hunyo 2013
Natapos: Marso 2014
Halaga: P30, 000
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang sumusunod na mga katanungan ay ang mga suliranin na
naglalayong hanapan ng kasagutan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.
1. Demograpikong profayl
a. Pangalan
b. Edad
c. Dating hanapbuhay/ Kasalukuyang hanapbuhay
2. Ano ang konsepto ng mga piling Aeta sa hanapbuhay sa kanilang sariling
lugar?
3. Ano ang konsepto ng mga piling Aeta sa hanapbuhay sa ibang lugar?
De La Salle University – Dasmariñas
4. Ang paghahambing sa konsepto ng hanapbuhay ng mga Aeta sa kanilang
sariling
lugar at ang konsepto ng hanapbuhay ng mga Aeta sa ibang lugar.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ninanais ng pag-aaral na ito na paghambingin ang konsepto ng mga
piling Aeta sa hanapbuhay sa kanilang sariling lugar at ang konsepto ng mga
Aeta sa hanapbuhay sa ibang lugar. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay
nilimitahan lamang sa sampung (10) piling Aeta na may batayang edad na
dalawampu (20) hanggang apatnapung (40) taong gulang. Ang mga napiling
kalahok ay nangangailangan ring nakaranas nang maghanapbuhay o
kasalukuyang may hanapbuhay.
METODOLOHIYA
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwalitatibong uri ng pananaliksik at
partikular na ang deskriptibong disenyo. Ito ay hindi gumamit ng anumang
estadistika, bagkus ito ay may layuning magsalarawan ng konsepto mayroon
ang mga Aeta ukol sa hanapbuhay sa sariling lugar at sa ibang lugar. Ang
mga mananaliksik ay nagtala ng kanilang mga kasagutan na tinatawag ring
transcript na nagpapatunay rin na ang pag-aaral na ito ay kwalitatibong uri ng
pananaliksik. Ang mga kasagutan ng mga napiling kalahok ay sumailalim sa
pagrerekord, pag-aanalisa at sa pagbibigay interpretasyon kung kaya’t
masasabi na ang deskriptibong pamamaraan ay tunay na angkop para sa
pag-aaral na ito.
De La Salle University – Dasmariñas
Ang Purposive Sampling ay ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral
na ito sapagkat mayroon itong pamantayan sa pagpili, at ito ay ang edad at
ang kasalukuyang hanapbuhay o kung may karanasan nang maghanapbuhay
ang mga kalahok.
Ang mga materyales at kagamitan tulad ng video camera o voice
recorder, papel at panulat ay kinailangan rin sa pagsasaayos ng mga datos na
nakuha.
KONKLUSYON NG PAG-AARAL
Ang sumusunod na mga konklusyon ay nabuo mula sa pananaliksik na
naganap.
(a) Ang hanapbuhay ng mga kalahok na Aeta ay makikitang tunay na may
kauganyan sa bulubundukin o sa lupa katulad ng pagtatanim ng gulay at
prutas. Masasabing ang pamamaraan ng kanilang pamumuhay ay tradisyunal
at hindi pa moderno. Ang uri ng pamumuhay na ito ay sinasabing natutuhan
nila mula pa sa kanilang mga ninuno. Ang kanilang paraan ng pamumuhay
ang nagpapakita ng kanilang pagiging katutubo, ang tradisyon at ang kanilang
mga paniniawala ay tunay na may kauganayan rin sa kanilang pamumuhay.
Masasabing sila ay hindi pa bukas sa mga makabagong teknolohiya kung
kaya’t mapapansin na lamang katulad ng kanilang pagtingin sa panahon o sa
paparating na kalamidad, ito ay ginagamitan pa rin nila ng katutubong
pamamaraan.
De La Salle University – Dasmariñas
(b) Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita na ang mga Aeta ay tunay na
simple lamang ang paraan ng pamumuhay, sila ay kuntento na sa mga bagay
na mayroon sila, ang pagkakaroon ng pang-arawaraw na pagkain, ang mga
bagay na kailangan ay nasa paligid lamang at ang makasama ang pamilya ay
ang mga bagay na tunay na nagsasabing ang mga kalahok ay hindi na
humihiling pa na maghanapbuhay sa ibang lugar. Marahil para sa kanila, ang
paghahanapbuhay o ang paglipat sa ibang lugar ay isang malaking pagsubok
na hindi nila kayang lampasan dahil sa mga kakulangan na mayroon sila, ang
kakulangan sa edukasyon, ang kaalaman ukol sa mga makabagong
teknolohiya, ang kanilang tradisyon at kaugalian o ang kanilang paraan ng
pamumuhay ay makikitang isa sa mga nagiging hadlang upang sila ay
makipagsapalaran sa ibang lugar o sa ibang kapwa Pilipino. At masasabi rin
na ang hanapbuhay sa ibang lugar ay itinuturing nilang mahirap o malapit sa
gulo. Ang kanilang pangkatutubong uri ng pamumuhay ay tunay na
nagpapakita na mula noon hanggang sa kasalukuyan sila ay naka angkla pa
rin sa tradisyunal na pamamaraan at ito ay nakalagpas na ng ilang libong taon
ng hindi nagbabago at hindi nangangailangan pang maimpluwensyahan ng
ibang paraan ng pamumuhay.
(c) Ang kahalagahan ng lupa para sa mga Aeta ay makikitang may malaking
kaugnayan sa kanilang pamumuhay. Ito ay itituring nilang panginoon na
nagbibigay sa kanilang ng lahat ng kanilang pangangailangan. Para sa kanila
ang lupa ay bahagi na ng kanilang buhay at sa pagkakataong mailayo ang
mga katutubong Aeta sa kanilang lupang kinagisnan ay masasabing
De La Salle University – Dasmariñas
tinanggalan na rin sila ng karapatan na mamuhay at maituturing itong pagaalis
sa kanila sa pagiging isang katutubo.
REKOMENDASYON
Ang sumusunod na mga rekomendasyon ay nabuo base sa mga resultang
nakalap sa pananaliksik na ito.
(a) Mga Aeta. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na panatilihing buhay
ang kanilang kinagisnang pamamaraang ng pamumuhay, tradisyon at ang
pagkakakilanan ng kanilang pangkat.
(b) Gobyerno/ Lokal na tagapangasiwa. Pinapayuhan na ang lokal na mga
tagapangisawa ay maging maingat sa pagbibigay ng mga proyekto at
hakbanging makakaepekto o maaring magkatapak sa paniniwala, kinagisnan
at tradisyon ng mga katutubong Aeta.
(c) Sa susunod na Mananaliksik. Para sa mga susunod na mananaliksik na
gagawa ng pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik na ito. Ang
karagdagang dami ng kalahok ay inirerekomenda upang sa gayon ay
magkaroon ng mas malalim na basehan ang mga datos, ang pagpili ng kalahok
base sa edad o hanapbuhay at ang mismong kalahok ay inirerekomendang
baguhin, maaring ibang pangkat ng katutubo naman ang piliin bilang kalahok o
maaring ibang konsepto naman ang hanapin sa pag-aralan, upang sa gayon ay
magkaroon ng naiibang perskpektibo ang gagawing pananaliksik. |
---|