Incest: isang pagbabalangkas sa kulturang Pilipino.

Ang incest ay isang sensitibong bagay na hindi madalas pag- usapan sa ating bansa. Ito ay konseptong banyaga na hango sa salitang Latin na “incestus” na ang ibig sabihin ay madumi o mahalay. Ang pag-aaral na ito ay may tatlong suliranin: (1) Ano ang kahulugan ng salitang incest? (2) Ano-ano ang...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: de Dios, Katelyn Joy B., Exevia, Jonalyn M.
Format: Theses and Dissertations NonPeerReviewed
Published: 2014
Subjects:
Online Access:http://thesis.dlsud.edu.ph/138/7/DeDiosExevia%20...%20-%20Incest.pdf
http://thesis.dlsud.edu.ph/138/
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Ang incest ay isang sensitibong bagay na hindi madalas pag- usapan sa ating bansa. Ito ay konseptong banyaga na hango sa salitang Latin na “incestus” na ang ibig sabihin ay madumi o mahalay. Ang pag-aaral na ito ay may tatlong suliranin: (1) Ano ang kahulugan ng salitang incest? (2) Ano-ano ang mga katumbas na salita ng incest? (3) Ano-ano ang dimensyon ng incest? Dahil sa pagiging sensitibo ng paksa, napiling gamitin ng mga mananaliksik ang Katutubong Pamamaraan ng Pananaliksik tulad ng Pagmamasid, Pagtatanong-tanong, Padalaw-dalaw, Pakikipagkwentuhan at Pakikipagpalagayang-loob. Sa lungsod ng Dasmarinas, Cavite, ang napiling lugar ng mananaliksik upang magsagawa ng pag-aaral sa kadahilanang isa ito sa mga lugar na maraming kaso ng incest sa Cavite. Samantala, sampung kalahok naman ang kanilang ginamit sa pananaliksik na ito. Base sa sagot ng mga kalahok sa mga suliranin ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo: 1. Ang incest ay isang relasyon na hindi tanggap sa bansang Pilipinas. 2. Ang incest ay hindi tamang relasyon sapagkat ito ay imoral na gawain. 3. Ang isang relasyon ay ipinagbabawal hanggal sa 4th degree of consanguinity. 4. Bagama‟t mali o masama sa paningin ng nakakarami, may mga tao pa rin na nasasangkot sa ganitong gawain. Ang tanging magagawa ng nakakarami ay ang maging bukas ang ating isipan na ito ay isang maling gawain.