Ang konseptong panggigiit at kaugnayan ng pagtitimpi, pagpapakumbaba at panggigiit.

ABSTRACT Tinignan ang kaugnayan ng pagtitimpi at panggigilit at maging ang pagpapakumbaba at panggigiit. Nahinuha ang r=-.2 sa kaugnayan ng parehong pinaghambing. Makabuluhan ang pagsubok sa korelasyong nakukuha na ang ibig sabihin ay hindi resulta ng pagkakataon lamang. Sinisikap ding bigya...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Elicaño, Millette, Mabasa, Lynnette
Format: Theses and Dissertations NonPeerReviewed
Published: 1984
Subjects:
Online Access:http://thesis.dlsud.edu.ph/1517/1/ElicanoMabasa%20...%20-%20Konseptong.pdf
http://thesis.dlsud.edu.ph/1517/
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:ABSTRACT Tinignan ang kaugnayan ng pagtitimpi at panggigilit at maging ang pagpapakumbaba at panggigiit. Nahinuha ang r=-.2 sa kaugnayan ng parehong pinaghambing. Makabuluhan ang pagsubok sa korelasyong nakukuha na ang ibig sabihin ay hindi resulta ng pagkakataon lamang. Sinisikap ding bigyang katuturan ang paggigiit sa mga kabataang Pilipino at maging ang mga sitwasyong pinipiling maggigiit. Sa aming pagtatanong sa kahulugan ng panggigiit ang sumunod ay ilan sa kinalabasan: namimilit, pangungulit, pangangalandakan, pagdedepensa, mahinahon na pagpapahayag, pagpupuwersa, pakikilaban ng karapatan, pagmamarunong, sinungaling, at panghihimasok. Ang mga kahulugan na ibinigay ng mga kasapi na kinabibilangan ng mga estudyante sa Pamanatasan ng Philippine Christian ay hindi matatanggap bilang siyang tunay na pang-uunawa. Sa tulong ng talatanungang nilikha nakita na hindi lubos ang pang-unawa sa pangigiit. Subalit hindi ito nangangahulugang hindi marunong manggiit ang mga kabataan. Sa halos lahat ng sitwasyong iniharap, ang nanggigiit na tugon ang pinipiling karapat-dapat sa tugon. Pinipiling manggigiit ng mga kasaping kabataan sa mga sumusunod na sitwasyon: personal na relasyon nauukol sa pamimili, pag-aaral, at hanapbuhay.