Ang basehan sa pagpili ng katipan ng kasalukuyang henerasyon ng mga tsinoy

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa basehan sa pagpili ng katipan ng kasalukuyang henerasyon ng mga Tsinoy. Ito'y naglayong malaman ang katangiang hinahanap ng mga Tsinoy sa kani-kanilang katipan, kung ang nakagauliang tradisyon ay sinusunod pa, at ang kahihinatnan ng pakikipagrelasyon ng Tsinoy...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Chan, Emerald Sy, Del Cano, Valerie Anne R., Jao, Jacqueline Uy
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2002
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/11732
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa basehan sa pagpili ng katipan ng kasalukuyang henerasyon ng mga Tsinoy. Ito'y naglayong malaman ang katangiang hinahanap ng mga Tsinoy sa kani-kanilang katipan, kung ang nakagauliang tradisyon ay sinusunod pa, at ang kahihinatnan ng pakikipagrelasyon ng Tsinoy sa Tsinoy at Tsinoy sa Pilipino. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng malalimang pakikipagpanayam sa labinlimang Tsinoy. Natagpuang karamihan sa tagapagbatid ay gustong makarelasyon ang kalahi nila. Magkagayon pa man, bukas ang kanilang isipang magkaroon ng relasyon sa hindi nila kalahi pero takot pa silang sumuway sa kanilang magulang. Magkaibang impresyon ang mga ipinahayag ng mga Tsinoy tungkol sa mga Pilipinong lalaki at babae. Inilahad ng mga tagapagbatid ang kaibahan sa pagpapakita ng pagmamahal ng mga Tsinoy at Pilipino maging ang sa tingin nilang magiging kahihinatnan sa pakikipagrelasyon ng Tsinoy sa Tsinoy at ng Tsinoy sa Pilipino. Isinagawa ang pag-aaral na ito hindi upang makasakit ng damdamin ng anumang lahi kung hindi upang mas maging bukas ang isipan ng mga magulang sa bigyang kalayaan ang kani-kanilang mga anak sa pagpili ng katipan.