Pagsususri sa implementasyon ng DepEd Order no. 16, s. 2012 o ng Mother Tongue-based-multilingual education sa Baleno Central School sa Baleno, Masbate

Isinagawa ang pagsusuring ito upang makita ang resulta ng implementasyon ng DepEd Order no. 16, s.2012 o tinatawag rin na Mother Tongue-based - Multilingual Education sa Baleno Central School sa Masbate. Ang pangunahing ideya sa pagsusuring ito ay makita ang kaibahan ng mga naiisip na potensyal ng p...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Custodio, Reyna C.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2013
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2745
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Isinagawa ang pagsusuring ito upang makita ang resulta ng implementasyon ng DepEd Order no. 16, s.2012 o tinatawag rin na Mother Tongue-based - Multilingual Education sa Baleno Central School sa Masbate. Ang pangunahing ideya sa pagsusuring ito ay makita ang kaibahan ng mga naiisip na potensyal ng panukalang ito sa aktwal na nagaganap sa loob ng mga silid-aralan. Bukod sa aktwal na pag-oobserba, ginamit rin sa pananaliksik na ito ang konsepto ng Department of Education at ng United Nations Educational, Scientific and cultural Organization sa paggamit ng Mother Tongue at Multilingual Education. Nakita sa pananaliksik na ito na hindi istriktong sinusunod ang implementasyon na ito sa loob ng mga silid aralan na inobserbahan marahil dahil na rin sa iba't ibang komplikasyon kagaya ng pag-aakma (adjust) lamang ng mga guro sa kayang intindihin ng kanyang mag-aaral at dahil sa wala paring sapat na kagamitan na makakapag-suporta sa layunin ng panukalang ito.