Kamalayang lokal sa panahong globalL: Pagdalumat sa teksto at konteksto ng makabayang edukasyon sa pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-based teacher education curriculum) Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila

Nakatuon ang pag-aaral sa umiiral na bagong modelong kurikulum na Outcomes-Based Teacher Education Curriculum o OBTEC sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Binibigyang- hugis ng pananaliksik ang pagpapakahulugan sa teksto ng banyagang kurikulum sa konteksto ng institusyong pangguro na tiyak ang pagbib...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Villanueva, Voltaire M.
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 2015
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/439
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Nakatuon ang pag-aaral sa umiiral na bagong modelong kurikulum na Outcomes-Based Teacher Education Curriculum o OBTEC sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Binibigyang- hugis ng pananaliksik ang pagpapakahulugan sa teksto ng banyagang kurikulum sa konteksto ng institusyong pangguro na tiyak ang pagbibigay halimbawa sa ugnayang pedagohikal sa karanasan ng pagtuturo at pagkatuto sa OBTEC-Filipino. Pangunahing layunin ng pag-aaral ang pagbuo ng pinagyamang silabus na magiging salalayan sa paglalapat ng apat na mahalagang K: Kaakuhan, Kamalayan, Kalinangan, at Kasaysayan na pangunahing sangkap ng makabayang pedagohiya. Mula sa pamaraang paglalarawan at paglinang matutugunan ang mga tiyak na layuning maipaliwanag at masuri ang pagpapakahulugan sa konteksto ng OBTEC sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, makabayang pedagohiya, at ang paglalapat ng makabayang pedagohiya sa angkat na kurikulum. Maituturing na ambag ng pag-aaralang pagdalumat sa makabayang pedagohiya na masasalamin sa pagiging inobatibo at makapangyarihang guro. Sa pagdalumat, binigyang-diin ang pagsusulong, pagtataguyod, pagtatanghal, at pagsasalaysay ng saysay ng kaakuhan, kamalayan, kalinangan, at kasaysayan ng lipunang Pilipino napanggagalingan ng bunga at produkto ng pagkatuto o pagganap na kahingian ng modelong kurikulum.