Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas

Ang nakabaong kabuhayan ng pagtutubo at ang pagkakatayo ng Central Azucarera Don Pedro, Inc ay naging daan upang ang asukal ay maging isa sa mga produktong pinoproseso at kinakalakal sa Nasugbu, Batangas. Sa kasalukuyan, ang industriya ng pag-aasukal ng bayan ay nahaharap sa iba't ibang kalagay...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Morales, Rita Dacillo
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2018
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/562
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-1561
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-15612021-09-06T06:25:09Z Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas Morales, Rita Dacillo Ang nakabaong kabuhayan ng pagtutubo at ang pagkakatayo ng Central Azucarera Don Pedro, Inc ay naging daan upang ang asukal ay maging isa sa mga produktong pinoproseso at kinakalakal sa Nasugbu, Batangas. Sa kasalukuyan, ang industriya ng pag-aasukal ng bayan ay nahaharap sa iba't ibang kalagayan at hamon ng pagbabagoPangunahing layunin ng pananaliksik na ito na sipatin ang kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas sa pamamagitan ng semiotikong pagtingin. Gamit ang teorya ng semiotiko na nakatuon sa mito ni Roland Barthes, inilahad at tinalakay ng papel na ito ang mga nakakubling diskurso mula sa anim na klase ng asukal sa apat na dimensyon ng pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas: (1.) Pagtatanim ng tubo, (2.) Pagpoproseso, (3.) Pagkakalakal/Pagbebenta, at (4.) Pagkonsumo. Ang anim na klase ng asukal ay (1.) bati, (2.) pulot, (3.) negra, (4.) brown/pula, (5.) wash/segunda, at (6.) refine.Sa pamamagitan ng tematikong paghahanay, pagtalakay at pagsusuri ng mga nakakubling diskurso sa bawat dimensyon ng pag-aasukal ay inilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng pag-aasukal sa bayan ng Nasugbu.Ang metodo ng pag-aaral ay etnograpikong pananaliksik samantalang kinalap ang mga datos sa tulong ng Pilipinong Lapit ni Roberto Javier kagaya ng pakikipagkuwentuhan, pakikipanayam, patanong-tanong, pakapa-kapa, pagmamasid, at FGD. Naging malaking bahagi rin ang ginamit na field notes sa pagpapatibay ng ilang datos.Napag-alaman sa pag-aaral na may 18 nakakubling diskurso ng asukal at pag-aasukal na tinalakay at sinuri. Ang mga ito ay pinangkat sa pamamagitan ng tematikong paghahanay at pagtalakay sa bawat dimensyon ng pag-aasukal. Sa kabuuan ng modelong circuit, inilarawan ang kalagayan ng pag-aasukal ng Nasugbu na nakatahi sa usaping pang-ekonomiya, kultural, at ekonomiyang pampolitika. Nahihinuha na may pagbabanta ng pagsuko ang pag-aasukal sa bayan dahil sa matingkad ng suliraning pangkabuhayan ng mga magtutubo na naapektuhan ng nararanasang ekonomiyang pampolitika. Gayunpaman, ang mga positibong kultura ng mga tao ay nagpapaangat ng kanilang kalagayan sa industriya ng pag-aasukal. Napatunayan na ang tunay na lasa ng asukal ng bayan ay hindi matamis dahil nag-aangkin ito ng iba’t ibang lasang tinimplahan ng mga nakakubling diskurso. 2018-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/562 Dissertations Filipino Animo Repository Sugar trade--Philippines Sugar workers--Philippines Sugar trade--Employees Other Languages, Societies, and Cultures
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Sugar trade--Philippines
Sugar workers--Philippines
Sugar trade--Employees
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Sugar trade--Philippines
Sugar workers--Philippines
Sugar trade--Employees
Other Languages, Societies, and Cultures
Morales, Rita Dacillo
Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
description Ang nakabaong kabuhayan ng pagtutubo at ang pagkakatayo ng Central Azucarera Don Pedro, Inc ay naging daan upang ang asukal ay maging isa sa mga produktong pinoproseso at kinakalakal sa Nasugbu, Batangas. Sa kasalukuyan, ang industriya ng pag-aasukal ng bayan ay nahaharap sa iba't ibang kalagayan at hamon ng pagbabagoPangunahing layunin ng pananaliksik na ito na sipatin ang kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas sa pamamagitan ng semiotikong pagtingin. Gamit ang teorya ng semiotiko na nakatuon sa mito ni Roland Barthes, inilahad at tinalakay ng papel na ito ang mga nakakubling diskurso mula sa anim na klase ng asukal sa apat na dimensyon ng pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas: (1.) Pagtatanim ng tubo, (2.) Pagpoproseso, (3.) Pagkakalakal/Pagbebenta, at (4.) Pagkonsumo. Ang anim na klase ng asukal ay (1.) bati, (2.) pulot, (3.) negra, (4.) brown/pula, (5.) wash/segunda, at (6.) refine.Sa pamamagitan ng tematikong paghahanay, pagtalakay at pagsusuri ng mga nakakubling diskurso sa bawat dimensyon ng pag-aasukal ay inilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng pag-aasukal sa bayan ng Nasugbu.Ang metodo ng pag-aaral ay etnograpikong pananaliksik samantalang kinalap ang mga datos sa tulong ng Pilipinong Lapit ni Roberto Javier kagaya ng pakikipagkuwentuhan, pakikipanayam, patanong-tanong, pakapa-kapa, pagmamasid, at FGD. Naging malaking bahagi rin ang ginamit na field notes sa pagpapatibay ng ilang datos.Napag-alaman sa pag-aaral na may 18 nakakubling diskurso ng asukal at pag-aasukal na tinalakay at sinuri. Ang mga ito ay pinangkat sa pamamagitan ng tematikong paghahanay at pagtalakay sa bawat dimensyon ng pag-aasukal. Sa kabuuan ng modelong circuit, inilarawan ang kalagayan ng pag-aasukal ng Nasugbu na nakatahi sa usaping pang-ekonomiya, kultural, at ekonomiyang pampolitika. Nahihinuha na may pagbabanta ng pagsuko ang pag-aasukal sa bayan dahil sa matingkad ng suliraning pangkabuhayan ng mga magtutubo na naapektuhan ng nararanasang ekonomiyang pampolitika. Gayunpaman, ang mga positibong kultura ng mga tao ay nagpapaangat ng kanilang kalagayan sa industriya ng pag-aasukal. Napatunayan na ang tunay na lasa ng asukal ng bayan ay hindi matamis dahil nag-aangkin ito ng iba’t ibang lasang tinimplahan ng mga nakakubling diskurso.
format text
author Morales, Rita Dacillo
author_facet Morales, Rita Dacillo
author_sort Morales, Rita Dacillo
title Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
title_short Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
title_full Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
title_fullStr Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
title_full_unstemmed Ang tunay na lasa ng asukal: Isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa Nasugbu, Batangas
title_sort ang tunay na lasa ng asukal: isang semiotikong pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng asukal at pag-aasukal sa nasugbu, batangas
publisher Animo Repository
publishDate 2018
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/562
_version_ 1819113617768841216