Kararanan: Pag-aaral sa siyam na ritwal sa bayan ng Lucban, Quezon

Dinamiko ang relasyon ng tao at ng kanyang paligid, gaano man kalaki ang diskrepansiya sa temporal-spatial na elemento sa pagitan ng dalawa, patuloy na nahuhulma ang isang istrukturang-komunal. Mula dito, tanggap ang nosyong hindi maididiborsya ang halagahan ng mga umiiral na ritwal sa pagtukoy sa i...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Abuel, Patrico B.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/587
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/1586/viewcontent/2016_Abuel_Partial.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Dinamiko ang relasyon ng tao at ng kanyang paligid, gaano man kalaki ang diskrepansiya sa temporal-spatial na elemento sa pagitan ng dalawa, patuloy na nahuhulma ang isang istrukturang-komunal. Mula dito, tanggap ang nosyong hindi maididiborsya ang halagahan ng mga umiiral na ritwal sa pagtukoy sa identidad ng mga taong may saksi sa eksistensyang ito kung gayon ay ang pangangailangang mabigyan ng pagbasa ang mga ritwal na sumasabay sa mga pagbabagong panlipunan at maitahi ito sa pagpapaliwanag sa diwa, karakter, pag-iisip, kalooban, o pagkatao sa kabuuan, ng indibidwal. Ang pananaliksik na ito ay tatalunton sa kontektwalisasyon ng siyam na piling ritwal ng Lucban tuon sa mga kultural na manipesto, salik, ugat, at implikasyon. Sa materyalisasyon ng pag-aaral na ito ay pangunahin nang itinahi ang ginhawa sa paliwanag ni Zeus Salazar para sa teoretikal na balangkas ang ˜liminality at multivocality ni Victor Turner bilang konseptwal na balangkas ang fieldwork ng Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez bilang metodolohiya. Bilang resulta, nabigyan ng pagmamapa ang mga natatanging ritwal na umiiral sa Lucban, naipakita ang kalinangang-bayan, at naipaliwanag ang Kararanan bilang katangian nagtutulak sa pagpapatuloy ng ritwal. Gayundin ay nasuri ang mga implikasyong sikolohikal, pulitikal, kultural at sosyal.