Ang Moog sa ibang salita: Isang intralinggwal na salin ng nobelang tagalog ni Medina
Layon ng pag-aaral na ito na (1) maisalin ang nobelang MOOG, isang nobelang Tagalog ni BS Medina, Jr., (2) magamit ang Taglish bilang personal na karanasang pangwika ng nagsalin, (3) ma-explor ang proseso ng pagsasaling ginamit, at (4) makabuo ng teoya sa pagsasalin batay sa aktwal na karanasan sa p...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2003
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1263 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2264/viewcontent/CDTG003527_P__1_.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Layon ng pag-aaral na ito na (1) maisalin ang nobelang MOOG, isang nobelang Tagalog ni BS Medina, Jr., (2) magamit ang Taglish bilang personal na karanasang pangwika ng nagsalin, (3) ma-explor ang proseso ng pagsasaling ginamit, at (4) makabuo ng teoya sa pagsasalin batay sa aktwal na karanasan sa pagsasalin. Upang matamo ang mga layong ito, sinagot sa pag-aaral ang mga sumusunod na tanong: (1) Maaari bang makapagsalin ang isang mula sa ibang henerasyon, o mas nakababatang henerasyon?, (2) Makapagsasalin nga ba ang isang hindi nakauunawa ng kanyang isasalin? (3) Maisasalin ba ang MOOG ni Medina? (4) May pagkakaiba ba ang wika ng nobelang MOOG ni Medina (Tagalog) sa wika ng nagsalin (Taglish)? (5) Gaano kahalaga ang proseso para sa isang pagsasaling intralinggwal?
Mahahati sa tatlong yugto ang pinagdaanan ng risertser sa naging pagsasalin niya sa nobelang MOOG ni BS Medina, Jr. Ang mga ito ay ang (1)Apropriyasyon/Pagdanas/Pag-angkin ng teksto, (2) Paglilipat kahulugan /Pagsasalin bilang Paglusong+Paglasap, (3) Paggawa ng anotasyon, (4) Pagninilay Gamit ang Tseklist/Jornal. Batay sa prosesong ito ng pagsalin, nabuo ang teoryang: Ang pagsasalin ay isang natatanging pagdanas sa isang realidad ng isang tiyak na panahon at sapagkat ito ay isang gawaing personal, ang bawat salin, tulad rin ng bawat akda ay maituturing na natatangi sa may-akda. Gamit ang teoryang ito, nakabuo rin ang risertser ng walong klasipikasyon/ paraan ng pagsasalin na naisagawa sa pag-aaral na ito, nakabuo ang nagsalin ng ilang panuntunan na maaaring magsilbing gabay sa isang intralinggwal na pagsasalin: (1) Gamitin ang salita, ekspresyon o pahayag na mas maikli at mas gamitin at mas napapanahon para sa target na mambabasa. (2) Magdagdag ng ideya o katumbas na paliwanag sa loob ng teksto kung inaakalang makakatulong sa mambabasa, sa halip na pagtutumbas lamang. (3) Matapos matukoy ang mga salitang eksklusibo sa isang panahon, humanap ng katumbas na ideya nito sa kasalukuyang panahon. (4) Para sa mga metapora, imahen, idyoma, at mga katulad nito na maikokonsider na mahirap nang matukoy ang kahulugan, humanap sa kultura ng target na mambabasa ng kasalukuyang panahon ng katumbas kung mayroon, at kung wala, subuking bumuo ng sariling panumbas na metapora. Kung metapora ang isasalin, kailangang metapora rin ang bubuuin bilang panumbas na salin. (5) Humiram sa wikang Ingles o Kastila ng salitang maaaring itumbas sa mga salitang maituturing nang archaic. (6) Pagaangin, pasimplehin, o paikliin ang mahahaba o kaya’y may kalabuang bahagi ng salin sa pamamagitan nang paggamit ng mga salitang ginagamit na sa kasalukuyan na halos katulad rin ng ideyang isinasaad ng pahayag. (7) Panatiliin ang mga bahagi ng orihinal na hindi naman problematik o magiging problematik para sa target na mambabasa lalo na ang mga p
Batay sa pag-aaral na isinagawa, lumitaw na makapagsasalin ang isang mula sa ibang henerasyon, o mas nakababatang henerasyon makapagsasalin ang isang hindi nakauunawa ng salin may pagkakaiba ang wika ng MOOG ni Medina (Tagalog) sa wika ng nagsalin (Taglish) at napakahalaga ng proseso para sa isang pagsasaling intralinggwal. Lumitaw din sa pag-aaral na sa pagsasalin ng isang nobela, hindi maaaring wika lamang ang magalaw. Dahil din sa layunin ng nagsalin na maunawaan ang orihinal, sinikap ding mapagaan ang bersyong salin, kung kaya’t maging ang mga idyoma, talinghaga/metapora ay nababago dahil sa nagkakaroon din ng pagbabago sa konteksto ng orihinal. Lumitaw din sa pag-aaral na ang isang produktong salin ay nahihiwalay na sa orihinal dahil na rin sa mismong wika ng nagsalin kumbaga, ito ay inaangkin na ng nagsalin. Samakatuwid, ang isang akdang salin ay maituturing ding isang akdang orihinal.
Maaaring maisalin ang isang nobelang Tagalog gaya ng MOOG sa Taglish. Mauna man ang karanasan sa pagsasalin bago ang pagsasateorya, ang mahalaga ay ang maging conscious ang nagsasalin sa kanyang personal na wika at prosesong dinaanan sa pagsasalin upang makabuo siya ng teoryang kanyang magagamit na gabay sa mga susunod pang pagsaaling intralinggwal.
Makapagsagawa ng isang kaugnay na pag-aaral tungkol sa varayti ng Taglish na ginamit sa salin. Suriin kung ang lumabas na anyo ng Taglish ay maikokonsider na Taglish ng kasalukuyang henerasyon. 2. Gamitin ang tseklist para sa pagsusuri ng salin sa iba pang halimbawa ng mga intralinggwal na pagsasalin sa Filipino. 3. Gamitin ang salin ng nobelang MOOG sa pagsusuri ng development ng wikang Tagalog. |
---|