Baysanan: Ang kasalang Batangueño bilang kultural na kapital
Ang baysanan ay katutubong tawag ng mga Batangueño sa kasalan na kinapapalooban ng mayamang tradisyon at mga prosesong sinusunod at kinikilala ng mga ikinakasal sa loob ng komunidad hanggang sa kasalukuyan. Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita hindi lamang ang iba’t ibang yugto ng baysanan sa Ba...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2020
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5906 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12877/viewcontent/Cortez_Gina_11482885_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang baysanan ay katutubong tawag ng mga Batangueño sa kasalan na kinapapalooban ng mayamang tradisyon at mga prosesong sinusunod at kinikilala ng mga ikinakasal sa loob ng komunidad hanggang sa kasalukuyan. Layunin ng pag-aaral na ito na maipakita hindi lamang ang iba’t ibang yugto ng baysanan sa Batangas kundi pati na rin ang papel na ginagampanan nito sa larangan ng ekonomiks. Gamit ang diskurso ni David Throsby na nakaangkla naman sa teorya at ideya ni Pierre Bourdieu, inilahad sa papel na ito kung paano naging isang kultural na kapital ang kasalang Batangueño.Nakita sa pag-aaral na ang baysanan sa Batangas ay kinapapalooban ng tatlong yugto: a. bago ang baysanan; b. araw ng baysanan; c. pagkatapos ng baysanan
Nakapaloob sa unang yugto ang pagpaplano at preparasyon sa baysanan gaya ng bulungan, paghahanda sa lahat ng mga gagamitin sa baysanan, martesan, paglalawo, pagdadahon, pagniniyog, pagbibigay ng dulot o sabit, lipatan, panunulungan, pahapunan at sabitan. Kabilang naman sa ikalawang yugto ang aktuwal na seremonya ng pagpapakasal, reception, at sabugan samantalang sa huling yugto naman nakapaloob ang tradisyonal na dapit ng mag-asawa. |
---|