Ang mga gapnod sa Kamad-an ni Anijun Mudan-Udan: Mga diskurso ng kapangyarihan sa pagsasalin ng bernakular ng panitikan

Mapapansin mula sa dalawang yugto ang papel ng pagsasalin sa pagkakamit ng makabansang hangarin. Una, sa panahong nagdaan, kung kailan naging napakaimpluwensiyal nito sa pagkakasiil ng bansa mula sa mga Kastilang mananakop at ang ikalawa, sa kasalukuyang panahon, kung kailan naging daan ito sa pagpa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Lagnason, Gina Mae L.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2019
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6554
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/13548/viewcontent/Lagnason__Gina_Mae_L.___001._BOLYUM_1b.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Mapapansin mula sa dalawang yugto ang papel ng pagsasalin sa pagkakamit ng makabansang hangarin. Una, sa panahong nagdaan, kung kailan naging napakaimpluwensiyal nito sa pagkakasiil ng bansa mula sa mga Kastilang mananakop at ang ikalawa, sa kasalukuyang panahon, kung kailan naging daan ito sa pagpapaunlad ng wikang pambansa sa pamamagitan ng paglalabas ng sulating may pinakapaham na pagkagamit ng wika. Una sa lahat, layon ng pag-aaral na maipaabot ang nobelang “Mga Gapnod sa Kamad-an” para sa iba pang Pilipinong mambabasang maaaring hindi nakauunawa sa wikang bernakular (Binisaya+Binukid). Ang mga akdang may panggagagad sa pamumuhay ng isang lipunan ay maaaring magpanday at magpatibay sa kamalayan ng mambabasa. Ito, sa tingin ng papel, ang isa sa paraan upang madama ng mambabasa ang kultura ng mga katutubong Higaonon ng Bukidnon, ang makibahagi at makipagkapuwa sa kanila sa pamamagitan ng pagbasa sa mga danas na siyang isa sa makapagpapaliwanag sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Sa kasalukuyan, dahil hindi pa ganoon kalawak ang espasyong inilalaan ng mga palimbagan sa mga panitikang bernakular, higit na hindi dapat kaligtaan ang pagsasa-Filipino (muna) ng mga obrang ito dahil maiging maipalabas at maipabasa ito sa lipunang may pinakamalapit na ugnayan nang sa gayon ay masubok ang pambansang wika sa kakayahan nitong maghayag ng saloobing ipinararating ng mga bernakular na wikang kaniyang sinasaklaw. Sa pagsasagawa ng salin, halimbawa sa mga katawagang kultural, maaaring mapagpasyahan ang pagpapanatili o ang ganap na pagbabago ng isang elemento tungo sa tunguhang teksto. Ang pagpili mula sa dalawa ay pag-iral din sa politikang tunay na hindi maiiwasan sa gawaing pagsasalin. Nangyayari ang ganitong politika dahil na rin sa umiiral at ipinaiiral na mga sistema sa sa loob ng mas malawak at mas malaking sistema. Sa pamamagitan ng ugnayan ng mga sistemang ito, maaaring matukoy ang posisyon ng isang salin sa tunguhang panitikan (Even-Zohar 46-47). Sa kabuuan, malaki ang impluwensiya ng posisyon sa magiging kondisyon, estratehiya, daloy, at ng mismong produkto, ang tekstong salin. Tuon ng papel kung paano dapat isalin ang nobelang bernakular, partikular sa Binisaya+Binukid tungo sa Wikang Filipino, at ang pamamahala sa paghahanap ng lapat at tumbas sa tunguhang wika sa mga gawi at ideyang nakapaloob sa panitikang bernakular na gumagamit ng mga wikang kombinasyon ng Binisaya at Binukid. Bukod dito, sinipat din ang mga diskursong politikal kagaya ng pagpili ng akdang isasalin, pagpili ng mga wikang isasangkot sa pagsasalin, at pagsasalin nang hindi gumagamit ng tulay na wika kung saan, sa kabuuan, ay mababakas ang napakalaking ambag ng katangiang rehiyonal sa pagkakamit ng panitikang maituturing na makabansa. Nariyan din ang pagsisid sa mga diskursong sosyo-kultural na lumutang sa gawaing pagsasalin, gaya ng paghahanap ng tumbas sa mga konseptong walang katumbas o hindi umiiral sa tunguhang wika at ang kahalagahan ng pagpapanatili sa mga konseptong sosyo-kultural na maaaring natatangi sa daigdig ng simulaang panitikan. Mga Susing salita: pagsasalin ng panitikang bernakular, “pambansang panitikan”, kahingiang kultural sa pagsasalin, teoryang polysystem, mga diskurso ng kapangyarihan sa pagsasalin ng bernakular na panitikan.