Baklang intelektuwal: Pagdalumat sa buhay, praksis at teksto ni Danton Remoto
Lantad sa tesis na ito ang dalawang konseptong pinag-ugnay na pag-aaral hinggil sa intelektuwal at kulturang bakla at sekswalidad sa Pilipinas upang humantong na makalikha ng bagong ideya at mungkahing termino na baklang intelektuwal.Sa kaisipang Pilipino, kadalasan ng mga hinihirang na intelektuwal...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2019
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7070 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Lantad sa tesis na ito ang dalawang konseptong pinag-ugnay na pag-aaral hinggil sa intelektuwal at kulturang bakla at sekswalidad sa Pilipinas upang humantong na makalikha ng bagong ideya at mungkahing termino na baklang intelektuwal.Sa kaisipang Pilipino, kadalasan ng mga hinihirang na intelektuwal ay ang mga manunulat. Gamit ang mga teksto, nailalantad ng mga manunulat ang mga nabuong di matatawarang kaisipan at pilosopiyang nakaambag sa pagpapabuti ng kalagayan at pagpapausbong ng karunungang Pilipino. Kadugtong ng edukasyon ang pagluwal sa mga manunulat na nagtamo ng mataas na antas ng karunungan bilang kapital na historikal at kultural sa paglikha ng mga bagong ideolohiya na tutugon at mailalapat sa mga aktibong pagkilos hinggil sa sosyo-politikal na usapin ng bansa.Dala ng pagiging macho at heterosentril ng lipunan, unti-unting nagkatinig ang mga homosekswal upang tumindig sa diskriminasyong kanilang nararanasan. Hindi nalalayong ito rin ang dahilan ng pagsilang ng mga baklang manunulat na ginagamit ang panitikan sa tuwirang pagkondena sa patuloy na umiiral na homopobya upang makastigo ang diskriminasyon na mismong mga makata ang nakararanas kaya hayag sa kanilang mga panulat ang tuwirang pagbabaklas sa dikta ng lipunan. |
---|