Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay
Ang merkado ng mga segunda manong produkto ay kabahagi ng isang pinapairal na pabilog na ekonomiya. Sa pandaigdigang konteksto, kasalukuyan itong tinitignan bilang isang alternatibo at progresibong institusyon na siyang sumasalungat sa nakasanayang mabilis na produksyon at konsumpsyon ng mga produkt...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2024
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/20 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdb_fil/article/1021/viewcontent/2024_Barrion_Angat_ang_Ukay___Pagsusuri_sa_Papel_ng_Youtube_Content_ni_Shaira_Full_text_Redacted.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdb_fil-1021 |
---|---|
record_format |
eprints |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Thrift shops—Philippines Secondhand trade—Philippines Social media—Influence Shaira Luna Film and Media Studies |
spellingShingle |
Thrift shops—Philippines Secondhand trade—Philippines Social media—Influence Shaira Luna Film and Media Studies Barrion, Michaela Dominique Aure Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
description |
Ang merkado ng mga segunda manong produkto ay kabahagi ng isang pinapairal na pabilog na ekonomiya. Sa pandaigdigang konteksto, kasalukuyan itong tinitignan bilang isang alternatibo at progresibong institusyon na siyang sumasalungat sa nakasanayang mabilis na produksyon at konsumpsyon ng mga produkto. Sa lokal na konteksto, ito ay tinatawag na “Ukay-Ukay”. Gayunpaman, nang dahil sa pag-iral ng mga panibagong plataporma ng impluwensya lalo na sa mundo ng social media, mas kinikilala na ngayon ang ukay-ukay bilang isang bagong moda ng indibidwalisasyon at aestetisasyon para sa mga taong kabilang sa mas mataas na uri ng konstruksyong panlipunan.
Sa pag-aaral na ito, ang ukay-ukay ay ginagalugad sa espasyo ng mga plataporma ng social media. Batid ng mananaliksik na dahil sa patuloy na pag-unlad at pagpapadaloy ng impormasyon sa mga plataporma ng social media, nagkaroon ng ekstensyon ng kaalaman tungkol sa ukay-ukay. Ang partikular na pokus ng pananaliksik na ito ay ang papel na ginagampanan ng Youtube Content ng “Ukay-Ukay Queen” na si Shaira Luna sa pagtutulay nito sa interes at pagtangkilik ng gitnang uri sa ukay-ukay. Inilalahad ng pananaliksik ang iba’t ibang mga tema, imahe, at obserbasyong mula sa mga salik ng integradong konsepto ng popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay, pati na rin ang panlipunan at kultural na kapital na taglay ng personalidad at influencer na si Shaira Luna.
Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsusuri ng piling mga bidyo at komento mula sa channel ni Shaira. Mula rito, natuklasan ng mananaliksik ang 9 na temang paulit-ulit na lumabas. Anim (6) dito ang nahahanay sa integradong popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay habang ang tatlo (3) naman ay nasa ilalim ng diskusyon ng panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna.
Bukod sa paggamit ng isang integradong metodo ng pagtetema ay nagsilbing sandigan ng pag-aaral ang teorya ng social constructivism ni Lev Vygotsky (1968).
Kabilang sa mga temang inuri sa ilalim ng popularisasyon at gentripikasyon ay ang Terminolohiya at Visual Aesthetics, Nostalgia, Affordable Luxury, Interaksyon at Relasyong Parasosyal, Pagpuri at Paghanga para sa mga Produktong Ukay, at Pagtaas ng Interes at Purchase Intention ng mga mamimili. Para naman sa bahagi ng panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna, ang mga temang inuri sa kategoryang ito ang mga sumusunod: Promo at Komersyal, Pamantayan at Pagtanggap, at Atraksyong Pangkasanayan. Mula rito, naihanay at naitapat ang mga tema bilang tugon sa pagsusuri ng mga salik sa popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay na sumasangga sa panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna na siyang bumubuo ng panibagong realidad ng mga interaksyon sa mga plataporma katulad ng Youtube bilang daluyan ng mga sosyokultural na diskurso at kagawian ng mga Pilipino sa moda ng fashion at konsumerismo.
Nakitang mas promotor si Shaira ng ukay-ukay bilang isang moda ng pagkonsumo ng fashion na maaaring makakapagpataas ng panlipunang mobilidad ng isang tao kung saan maaaring matamasa ang mga esensya ng nobilidad, itsura ng karangyaan, at mas mataas na distinksyon sa lipunan. Ang pagtutulay sa interes at pagtangkilik ng gitnang uri sa ukay-ukay ay maaari ring mahinuha sa potensyal na eksplorasyon sa merkado na siyang natutulad sa mga karanasang ipinahayag ni Shaira sa kanyang mga bidyo. Ito rin ay naiimpluwensyahan ng mga aestetikong pagsasalarawan pati na rin ang mga kumbenyenteng perspektiba kaugnay ng pakikilahok sa merkado.
Susing-salita: Ukay-ukay, Shaira Luna, Gitnang Uri, Social Media, Social Constructivism |
format |
text |
author |
Barrion, Michaela Dominique Aure |
author_facet |
Barrion, Michaela Dominique Aure |
author_sort |
Barrion, Michaela Dominique Aure |
title |
Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
title_short |
Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
title_full |
Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
title_fullStr |
Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
title_full_unstemmed |
Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
title_sort |
angat ang ukay!: pagsusuri sa papel ng youtube content ni shaira luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2024 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/20 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdb_fil/article/1021/viewcontent/2024_Barrion_Angat_ang_Ukay___Pagsusuri_sa_Papel_ng_Youtube_Content_ni_Shaira_Full_text_Redacted.pdf |
_version_ |
1802997415175782400 |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdb_fil-10212024-06-07T03:39:34Z Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay Barrion, Michaela Dominique Aure Ang merkado ng mga segunda manong produkto ay kabahagi ng isang pinapairal na pabilog na ekonomiya. Sa pandaigdigang konteksto, kasalukuyan itong tinitignan bilang isang alternatibo at progresibong institusyon na siyang sumasalungat sa nakasanayang mabilis na produksyon at konsumpsyon ng mga produkto. Sa lokal na konteksto, ito ay tinatawag na “Ukay-Ukay”. Gayunpaman, nang dahil sa pag-iral ng mga panibagong plataporma ng impluwensya lalo na sa mundo ng social media, mas kinikilala na ngayon ang ukay-ukay bilang isang bagong moda ng indibidwalisasyon at aestetisasyon para sa mga taong kabilang sa mas mataas na uri ng konstruksyong panlipunan. Sa pag-aaral na ito, ang ukay-ukay ay ginagalugad sa espasyo ng mga plataporma ng social media. Batid ng mananaliksik na dahil sa patuloy na pag-unlad at pagpapadaloy ng impormasyon sa mga plataporma ng social media, nagkaroon ng ekstensyon ng kaalaman tungkol sa ukay-ukay. Ang partikular na pokus ng pananaliksik na ito ay ang papel na ginagampanan ng Youtube Content ng “Ukay-Ukay Queen” na si Shaira Luna sa pagtutulay nito sa interes at pagtangkilik ng gitnang uri sa ukay-ukay. Inilalahad ng pananaliksik ang iba’t ibang mga tema, imahe, at obserbasyong mula sa mga salik ng integradong konsepto ng popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay, pati na rin ang panlipunan at kultural na kapital na taglay ng personalidad at influencer na si Shaira Luna. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsusuri ng piling mga bidyo at komento mula sa channel ni Shaira. Mula rito, natuklasan ng mananaliksik ang 9 na temang paulit-ulit na lumabas. Anim (6) dito ang nahahanay sa integradong popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay habang ang tatlo (3) naman ay nasa ilalim ng diskusyon ng panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna. Bukod sa paggamit ng isang integradong metodo ng pagtetema ay nagsilbing sandigan ng pag-aaral ang teorya ng social constructivism ni Lev Vygotsky (1968). Kabilang sa mga temang inuri sa ilalim ng popularisasyon at gentripikasyon ay ang Terminolohiya at Visual Aesthetics, Nostalgia, Affordable Luxury, Interaksyon at Relasyong Parasosyal, Pagpuri at Paghanga para sa mga Produktong Ukay, at Pagtaas ng Interes at Purchase Intention ng mga mamimili. Para naman sa bahagi ng panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna, ang mga temang inuri sa kategoryang ito ang mga sumusunod: Promo at Komersyal, Pamantayan at Pagtanggap, at Atraksyong Pangkasanayan. Mula rito, naihanay at naitapat ang mga tema bilang tugon sa pagsusuri ng mga salik sa popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay na sumasangga sa panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna na siyang bumubuo ng panibagong realidad ng mga interaksyon sa mga plataporma katulad ng Youtube bilang daluyan ng mga sosyokultural na diskurso at kagawian ng mga Pilipino sa moda ng fashion at konsumerismo. Nakitang mas promotor si Shaira ng ukay-ukay bilang isang moda ng pagkonsumo ng fashion na maaaring makakapagpataas ng panlipunang mobilidad ng isang tao kung saan maaaring matamasa ang mga esensya ng nobilidad, itsura ng karangyaan, at mas mataas na distinksyon sa lipunan. Ang pagtutulay sa interes at pagtangkilik ng gitnang uri sa ukay-ukay ay maaari ring mahinuha sa potensyal na eksplorasyon sa merkado na siyang natutulad sa mga karanasang ipinahayag ni Shaira sa kanyang mga bidyo. Ito rin ay naiimpluwensyahan ng mga aestetikong pagsasalarawan pati na rin ang mga kumbenyenteng perspektiba kaugnay ng pakikilahok sa merkado. Susing-salita: Ukay-ukay, Shaira Luna, Gitnang Uri, Social Media, Social Constructivism 2024-04-01T07:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/20 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdb_fil/article/1021/viewcontent/2024_Barrion_Angat_ang_Ukay___Pagsusuri_sa_Papel_ng_Youtube_Content_ni_Shaira_Full_text_Redacted.pdf Filipino Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Thrift shops—Philippines Secondhand trade—Philippines Social media—Influence Shaira Luna Film and Media Studies |