Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
Nilayon ng papel na ito na maipakita kung paano nagagamit ng mga Tagbanua sa Coron, Palawan ang vlogging sa YouTube bilang makabagong komunikatibong espasyo. Upang mas mapalalim pa ang diskurso sa paggamit ng mga Tagbanua ng YouTube bilang bagong espasyo ng pagpapahayag at paglalarawan ng kanilang s...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2023
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/11 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1012&context=etdd_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Nilayon ng papel na ito na maipakita kung paano nagagamit ng mga Tagbanua sa Coron, Palawan ang vlogging sa YouTube bilang makabagong komunikatibong espasyo. Upang mas mapalalim pa ang diskurso sa paggamit ng mga Tagbanua ng YouTube bilang bagong espasyo ng pagpapahayag at paglalarawan ng kanilang sarili, unang sinuri kung ano-ano ang mga katangian ng vlogs at YouTuber na Tagbanua? Sumunod na tinalakay ang mga ibinabahaging dimensiyong kultural ng mga Tagbanua sa kanilang mga vlog. Sinuri din kung paano nagamit ng mga Tagbanua ang YouTube bilang instrumento ng kontra-Orientalismo.
Ginamit ang Orientalismo ni Edward Said bilang teoretikal na batayan ng pagdalumat sa paraan ng paggamit ng mga Tagbanua ng makabagong midya. Ginamit din sa kabuuan ng pag-aaral ang digital na etnograpiya at kwalitatibong pagsusuri ng nilalaman bilang disenyo ng pananaliksik. Naging pangunahing teksto ng pag-aaral ang siyamnapung vlogs mula sa mga YouTube channel nina Primitive Islader, Banua Tribe Tv, at Tangay Tribe Tv. Kabilang ang tatlong YouTube channel sa grupo ng mga Tagbanua na kilala sa tawag na Kalamian Tagbanua. Kalimitan silang naninirahan sa mga isla ng Coron at sentrong kabayanan ng Coron/Busuanga at mga kalapit na mga isla. Sa digital na etnograpiya nagsagawa ng non-participant observation sa pamamagitan ng panonood ng mga vlog at pagtatala ng digital fieldnotes. Sinuri din ang “metadata” ng tatlong YouTube channel. Kasama sa mga elemento ng metadata ang pamagat ng bidyo, bilang ng likes, dislikes, mga komento, thumbnail, tags, at maraming pang iba.
Natuklasan sa pagsusuri ng vlogs ng tatlong YouTuber na Tagbanua na naging matagumpay pa rin silang magamit ang digital na kapital sa kabila ng kanilang limitado at mababang antas pang-ekonomiko, pangkultural, at panlipunang kapital. Higit nilang naipakita ang kanilang hanapbuhay bilang pangunahing dimensiyong kultural sa kanilang mga vlog. Naging daan din ang YouTube vlogging upang makabuo ang mga Tagbanua ng Ikatlong Espasyo na siyang nagiging lugar kung saan malaya nilang nabibigyan ng representasyon ang kanilang sarili bilang mga katutubo. Makikita sa Ikatlong Espasyo ng mga Tagbanua ang dalawang posibilidad: una, magamit ang kanilang YouTube channel upang maging behikulo ng kontra-diskurso laban sa umiiral na konsepto ng Orientalismo (kontra-Orientalismo) sa loob at labas ng social media; pangalawa, maaari ding magamit ang kanilang YouTube channel bilang behikulo ng pagpapalakas pa ng pagtingin sa mga Orient bilang “Other” (Orientalismong pansarili) nang lingid sa kanilang kamalayan. Subalit, sa kabila ng pagkakataon na nagagamit ng mga Tagbanua ang Orientalismong pansarili na umaayon sa mga naitatag nang mga estereotipo tungkol sa mga katutubo, higit pa rin nilang nagamit ang YouTube vlogging upang maging kontra-diskurso laban sa mga maling representasyon ng mga Tagbanua at iba pang katutubo sa midya lalong-lalo na sa Internet.
Mga Susing Salita: Tagbanua, YouTube, Orientalismo, Kontra-Orientalismo, Orientalismong Pansarili |
---|