Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan

Nilayon ng papel na ito na maipakita kung paano nagagamit ng mga Tagbanua sa Coron, Palawan ang vlogging sa YouTube bilang makabagong komunikatibong espasyo. Upang mas mapalalim pa ang diskurso sa paggamit ng mga Tagbanua ng YouTube bilang bagong espasyo ng pagpapahayag at paglalarawan ng kanilang s...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Alcantara, Gian Carlo G.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2023
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/11
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1012&context=etdd_fil
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-1012
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-10122023-01-25T01:24:37Z Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan Alcantara, Gian Carlo G. Nilayon ng papel na ito na maipakita kung paano nagagamit ng mga Tagbanua sa Coron, Palawan ang vlogging sa YouTube bilang makabagong komunikatibong espasyo. Upang mas mapalalim pa ang diskurso sa paggamit ng mga Tagbanua ng YouTube bilang bagong espasyo ng pagpapahayag at paglalarawan ng kanilang sarili, unang sinuri kung ano-ano ang mga katangian ng vlogs at YouTuber na Tagbanua? Sumunod na tinalakay ang mga ibinabahaging dimensiyong kultural ng mga Tagbanua sa kanilang mga vlog. Sinuri din kung paano nagamit ng mga Tagbanua ang YouTube bilang instrumento ng kontra-Orientalismo. Ginamit ang Orientalismo ni Edward Said bilang teoretikal na batayan ng pagdalumat sa paraan ng paggamit ng mga Tagbanua ng makabagong midya. Ginamit din sa kabuuan ng pag-aaral ang digital na etnograpiya at kwalitatibong pagsusuri ng nilalaman bilang disenyo ng pananaliksik. Naging pangunahing teksto ng pag-aaral ang siyamnapung vlogs mula sa mga YouTube channel nina Primitive Islader, Banua Tribe Tv, at Tangay Tribe Tv. Kabilang ang tatlong YouTube channel sa grupo ng mga Tagbanua na kilala sa tawag na Kalamian Tagbanua. Kalimitan silang naninirahan sa mga isla ng Coron at sentrong kabayanan ng Coron/Busuanga at mga kalapit na mga isla. Sa digital na etnograpiya nagsagawa ng non-participant observation sa pamamagitan ng panonood ng mga vlog at pagtatala ng digital fieldnotes. Sinuri din ang “metadata” ng tatlong YouTube channel. Kasama sa mga elemento ng metadata ang pamagat ng bidyo, bilang ng likes, dislikes, mga komento, thumbnail, tags, at maraming pang iba. Natuklasan sa pagsusuri ng vlogs ng tatlong YouTuber na Tagbanua na naging matagumpay pa rin silang magamit ang digital na kapital sa kabila ng kanilang limitado at mababang antas pang-ekonomiko, pangkultural, at panlipunang kapital. Higit nilang naipakita ang kanilang hanapbuhay bilang pangunahing dimensiyong kultural sa kanilang mga vlog. Naging daan din ang YouTube vlogging upang makabuo ang mga Tagbanua ng Ikatlong Espasyo na siyang nagiging lugar kung saan malaya nilang nabibigyan ng representasyon ang kanilang sarili bilang mga katutubo. Makikita sa Ikatlong Espasyo ng mga Tagbanua ang dalawang posibilidad: una, magamit ang kanilang YouTube channel upang maging behikulo ng kontra-diskurso laban sa umiiral na konsepto ng Orientalismo (kontra-Orientalismo) sa loob at labas ng social media; pangalawa, maaari ding magamit ang kanilang YouTube channel bilang behikulo ng pagpapalakas pa ng pagtingin sa mga Orient bilang “Other” (Orientalismong pansarili) nang lingid sa kanilang kamalayan. Subalit, sa kabila ng pagkakataon na nagagamit ng mga Tagbanua ang Orientalismong pansarili na umaayon sa mga naitatag nang mga estereotipo tungkol sa mga katutubo, higit pa rin nilang nagamit ang YouTube vlogging upang maging kontra-diskurso laban sa mga maling representasyon ng mga Tagbanua at iba pang katutubo sa midya lalong-lalo na sa Internet. Mga Susing Salita: Tagbanua, YouTube, Orientalismo, Kontra-Orientalismo, Orientalismong Pansarili 2023-01-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/11 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1012&context=etdd_fil Filipino Dissertations Filipino Animo Repository Internet videos--Philippines--Coron (Palawan) Orientalism--Philippines--Coron (Palawan) Other Languages, Societies, and Cultures
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Internet videos--Philippines--Coron (Palawan)
Orientalism--Philippines--Coron (Palawan)
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Internet videos--Philippines--Coron (Palawan)
Orientalism--Philippines--Coron (Palawan)
Other Languages, Societies, and Cultures
Alcantara, Gian Carlo G.
Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
description Nilayon ng papel na ito na maipakita kung paano nagagamit ng mga Tagbanua sa Coron, Palawan ang vlogging sa YouTube bilang makabagong komunikatibong espasyo. Upang mas mapalalim pa ang diskurso sa paggamit ng mga Tagbanua ng YouTube bilang bagong espasyo ng pagpapahayag at paglalarawan ng kanilang sarili, unang sinuri kung ano-ano ang mga katangian ng vlogs at YouTuber na Tagbanua? Sumunod na tinalakay ang mga ibinabahaging dimensiyong kultural ng mga Tagbanua sa kanilang mga vlog. Sinuri din kung paano nagamit ng mga Tagbanua ang YouTube bilang instrumento ng kontra-Orientalismo. Ginamit ang Orientalismo ni Edward Said bilang teoretikal na batayan ng pagdalumat sa paraan ng paggamit ng mga Tagbanua ng makabagong midya. Ginamit din sa kabuuan ng pag-aaral ang digital na etnograpiya at kwalitatibong pagsusuri ng nilalaman bilang disenyo ng pananaliksik. Naging pangunahing teksto ng pag-aaral ang siyamnapung vlogs mula sa mga YouTube channel nina Primitive Islader, Banua Tribe Tv, at Tangay Tribe Tv. Kabilang ang tatlong YouTube channel sa grupo ng mga Tagbanua na kilala sa tawag na Kalamian Tagbanua. Kalimitan silang naninirahan sa mga isla ng Coron at sentrong kabayanan ng Coron/Busuanga at mga kalapit na mga isla. Sa digital na etnograpiya nagsagawa ng non-participant observation sa pamamagitan ng panonood ng mga vlog at pagtatala ng digital fieldnotes. Sinuri din ang “metadata” ng tatlong YouTube channel. Kasama sa mga elemento ng metadata ang pamagat ng bidyo, bilang ng likes, dislikes, mga komento, thumbnail, tags, at maraming pang iba. Natuklasan sa pagsusuri ng vlogs ng tatlong YouTuber na Tagbanua na naging matagumpay pa rin silang magamit ang digital na kapital sa kabila ng kanilang limitado at mababang antas pang-ekonomiko, pangkultural, at panlipunang kapital. Higit nilang naipakita ang kanilang hanapbuhay bilang pangunahing dimensiyong kultural sa kanilang mga vlog. Naging daan din ang YouTube vlogging upang makabuo ang mga Tagbanua ng Ikatlong Espasyo na siyang nagiging lugar kung saan malaya nilang nabibigyan ng representasyon ang kanilang sarili bilang mga katutubo. Makikita sa Ikatlong Espasyo ng mga Tagbanua ang dalawang posibilidad: una, magamit ang kanilang YouTube channel upang maging behikulo ng kontra-diskurso laban sa umiiral na konsepto ng Orientalismo (kontra-Orientalismo) sa loob at labas ng social media; pangalawa, maaari ding magamit ang kanilang YouTube channel bilang behikulo ng pagpapalakas pa ng pagtingin sa mga Orient bilang “Other” (Orientalismong pansarili) nang lingid sa kanilang kamalayan. Subalit, sa kabila ng pagkakataon na nagagamit ng mga Tagbanua ang Orientalismong pansarili na umaayon sa mga naitatag nang mga estereotipo tungkol sa mga katutubo, higit pa rin nilang nagamit ang YouTube vlogging upang maging kontra-diskurso laban sa mga maling representasyon ng mga Tagbanua at iba pang katutubo sa midya lalong-lalo na sa Internet. Mga Susing Salita: Tagbanua, YouTube, Orientalismo, Kontra-Orientalismo, Orientalismong Pansarili
format text
author Alcantara, Gian Carlo G.
author_facet Alcantara, Gian Carlo G.
author_sort Alcantara, Gian Carlo G.
title Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
title_short Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
title_full Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
title_fullStr Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
title_full_unstemmed Isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga Kalamian Tagbanua sa Coron, Palawan
title_sort isang birtuwal na kontra-orientalismong pagsusuri sa mga youtube channel ng mga kalamian tagbanua sa coron, palawan
publisher Animo Repository
publishDate 2023
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/11
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1012&context=etdd_fil
_version_ 1756432662251175936