Sipat-danas ng court interpreters sa Metro Manila: Perspektiba, praktika at polisiya
Nakasulat sa wikang Ingles ang mga batas sa Pilipinas, gayundin ang dominanteng wika sa loob ng korte. Ingles ang ginagamit kung kaya’t may laging court interpreter upang gampanan ang mahalagang tungkulin na magkaroon ng pagkakaunawaan sa mga paglilitis at makatulong sa mga mamamayan sa pagkamit ng...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2024
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_fil/24 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_fil/article/1024/viewcontent/2024_Moya_Sipat_danas_ng_Court_Interpreters_sa_Metro_Manila_Full_text.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Nakasulat sa wikang Ingles ang mga batas sa Pilipinas, gayundin ang dominanteng wika sa loob ng korte. Ingles ang ginagamit kung kaya’t may laging court interpreter upang gampanan ang mahalagang tungkulin na magkaroon ng pagkakaunawaan sa mga paglilitis at makatulong sa mga mamamayan sa pagkamit ng katarungan. Iba’t ibang kaso ang nililitis sa mga korte araw-araw at hindi maiiwasang magkaroon ng iba’t ibang isyu sa usapin ng pagiging tama o accurate ng mga interpretasyon o salin ng interpreter.
May layunin ang pananaliksik na suriin ang mga perspektiba, praktika at polisiya ng court interpreting sa konteksto ng mga naratibo ng mga court interpreter mula sa piling lungsod ng Metro Manila. Nilalayon nitong masuri kung paano natutugunan ng mga court interpreter ang kanilang mahalagang tungkulin sa loob ng korte at kung paano ito nakaaapekto sa katarungan at tamang pagpapatupad ng batas. Inukit ang kanilang kahalagahan sa pagsasakatuparan ng katarungan at kung paano ito makatutulong sa pagsulong ng tama at mabilis na pagresolba ng mga kaso.
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang danas ng mga court interpreter sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng kani-kanilang kuwento. Naibahagi rito ang perspektiba ng mga interpreter sa kanilang trabaho, mga praktika na kanilang isinasagawa sa korte, at mga polisiyang sinusunod sa usapin ng court interpreting. Nailapat at inisa-isa ng manaliksik ang mga ito sa pamamagitan ng SWOT analysis. Nasuri din ang mga kilos o gawi ng mga interpreter sa kanilang mga danas batay sa Acts of Meaning. Sa huli, nakapagbigay ang mananaliksik ng mga rekomendasyon mula sa mga natagpuang impormasyon upang mapaunlad ang larangan ng court interpreting sa bansa.
Mga susing salita: sipat-danas, praktika, polisiya, court interpreting, court interpreter, katarungan |
---|