Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg

Isa si Efren R. Abueg sa mga pinakarespetadong manunulat sa Pilipinas. Bagama’t higit na nakilala ang kaniyang pangalan nang mailimbag ang Mga Agos sa Disyerto (1964), mas maraming naisulat si Abueg na wala sa antolohiyang ito. Kaya naman nakatuon ang proyekto sa muling pagpapakilala kay Abueg. Bini...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Morales, Deidre R
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/21
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_lit/article/1021/viewcontent/2024_Morales_Bugso_Agos_at_Sigwa__Pampanitikang_Talambuhay_ni_Efren_R._Abueg.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Isa si Efren R. Abueg sa mga pinakarespetadong manunulat sa Pilipinas. Bagama’t higit na nakilala ang kaniyang pangalan nang mailimbag ang Mga Agos sa Disyerto (1964), mas maraming naisulat si Abueg na wala sa antolohiyang ito. Kaya naman nakatuon ang proyekto sa muling pagpapakilala kay Abueg. Binibigyang-diin ang salitang “muli” sapagkat nais na maipakilala rito si Abueg hindi lamang bilang isa sa mga miyembro ng Agos kung hindi bilang isang manunulat na hiwalay sa mas tanyang niyang mga ambag sa panitikan. Tinatalunton ng pampanitikang talambuhay (literary biography) ni Abueg ang naging simulain niya sa pagsulat mula dekada 50 hanggang sa mga pagbabagong naidulot sa kaniyang pagkatha ng partikular na yugto sa kasaysayan gaya ng panahon ng Batas Militar. Kabilang din dito ang sariling pagsusuri sa kaniyang mga akda, maging ang pagbasa o kritisismo ng ibang mga manunulat tungkol sa mga piling akda. Hinati ang pagtalakay sa kaniyang buhay at mga katha na ibinatay sa mga pangunahing antolohiya ng maiikling kuwentong niya—ang Bugso: Maiikling Katha 1954-1964 (1993), Mga Agos sa Disyerto (1964, 1974, 1993, 2010), Sigwa (1972, 2007) at Plakard (2019). Mula sa pakikipagpanayam mismo kay Abueg, at sa pangangalap ng mga materyal patungkol sa kaniya at kaniyang mga isinulat, pinagtagpi-tagpi ang mga natipon upang makabuo ng isang salaysay-buhay na higit na nagtatampok hindi lamang kay Abueg bilang isang prolipiko at mahalagang manunulat sa kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas, kundi pati na ang kasaysayan ng lipunang humubog sa kaniyang panulat. Sa pamamagitan ng proyekto, mas mailalapit sa mga mambabasa ang buhay at mga akda ni Abueg bago at pagkatapos ng Agos. Kaugnay nito, maaari itong makahikayat sa mga nasa larangan ng akademya upang maisalang pa sa iba’t ibang pag-aaral ang mga akda ni Abueg.