Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg

Isa si Efren R. Abueg sa mga pinakarespetadong manunulat sa Pilipinas. Bagama’t higit na nakilala ang kaniyang pangalan nang mailimbag ang Mga Agos sa Disyerto (1964), mas maraming naisulat si Abueg na wala sa antolohiyang ito. Kaya naman nakatuon ang proyekto sa muling pagpapakilala kay Abueg. Bini...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Morales, Deidre R
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2024
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/21
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_lit/article/1021/viewcontent/2024_Morales_Bugso_Agos_at_Sigwa__Pampanitikang_Talambuhay_ni_Efren_R._Abueg.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdm_lit-1021
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdm_lit-10212025-01-10T02:27:43Z Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg Morales, Deidre R Isa si Efren R. Abueg sa mga pinakarespetadong manunulat sa Pilipinas. Bagama’t higit na nakilala ang kaniyang pangalan nang mailimbag ang Mga Agos sa Disyerto (1964), mas maraming naisulat si Abueg na wala sa antolohiyang ito. Kaya naman nakatuon ang proyekto sa muling pagpapakilala kay Abueg. Binibigyang-diin ang salitang “muli” sapagkat nais na maipakilala rito si Abueg hindi lamang bilang isa sa mga miyembro ng Agos kung hindi bilang isang manunulat na hiwalay sa mas tanyang niyang mga ambag sa panitikan. Tinatalunton ng pampanitikang talambuhay (literary biography) ni Abueg ang naging simulain niya sa pagsulat mula dekada 50 hanggang sa mga pagbabagong naidulot sa kaniyang pagkatha ng partikular na yugto sa kasaysayan gaya ng panahon ng Batas Militar. Kabilang din dito ang sariling pagsusuri sa kaniyang mga akda, maging ang pagbasa o kritisismo ng ibang mga manunulat tungkol sa mga piling akda. Hinati ang pagtalakay sa kaniyang buhay at mga katha na ibinatay sa mga pangunahing antolohiya ng maiikling kuwentong niya—ang Bugso: Maiikling Katha 1954-1964 (1993), Mga Agos sa Disyerto (1964, 1974, 1993, 2010), Sigwa (1972, 2007) at Plakard (2019). Mula sa pakikipagpanayam mismo kay Abueg, at sa pangangalap ng mga materyal patungkol sa kaniya at kaniyang mga isinulat, pinagtagpi-tagpi ang mga natipon upang makabuo ng isang salaysay-buhay na higit na nagtatampok hindi lamang kay Abueg bilang isang prolipiko at mahalagang manunulat sa kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas, kundi pati na ang kasaysayan ng lipunang humubog sa kaniyang panulat. Sa pamamagitan ng proyekto, mas mailalapit sa mga mambabasa ang buhay at mga akda ni Abueg bago at pagkatapos ng Agos. Kaugnay nito, maaari itong makahikayat sa mga nasa larangan ng akademya upang maisalang pa sa iba’t ibang pag-aaral ang mga akda ni Abueg. 2024-11-02T07:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/21 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_lit/article/1021/viewcontent/2024_Morales_Bugso_Agos_at_Sigwa__Pampanitikang_Talambuhay_ni_Efren_R._Abueg.pdf Literature Master's Theses Filipino Animo Repository Efren R. Abueg--Biography Philippine literature Authors, Filipino--Biography Other English Language and Literature
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Efren R. Abueg--Biography
Philippine literature
Authors, Filipino--Biography
Other English Language and Literature
spellingShingle Efren R. Abueg--Biography
Philippine literature
Authors, Filipino--Biography
Other English Language and Literature
Morales, Deidre R
Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg
description Isa si Efren R. Abueg sa mga pinakarespetadong manunulat sa Pilipinas. Bagama’t higit na nakilala ang kaniyang pangalan nang mailimbag ang Mga Agos sa Disyerto (1964), mas maraming naisulat si Abueg na wala sa antolohiyang ito. Kaya naman nakatuon ang proyekto sa muling pagpapakilala kay Abueg. Binibigyang-diin ang salitang “muli” sapagkat nais na maipakilala rito si Abueg hindi lamang bilang isa sa mga miyembro ng Agos kung hindi bilang isang manunulat na hiwalay sa mas tanyang niyang mga ambag sa panitikan. Tinatalunton ng pampanitikang talambuhay (literary biography) ni Abueg ang naging simulain niya sa pagsulat mula dekada 50 hanggang sa mga pagbabagong naidulot sa kaniyang pagkatha ng partikular na yugto sa kasaysayan gaya ng panahon ng Batas Militar. Kabilang din dito ang sariling pagsusuri sa kaniyang mga akda, maging ang pagbasa o kritisismo ng ibang mga manunulat tungkol sa mga piling akda. Hinati ang pagtalakay sa kaniyang buhay at mga katha na ibinatay sa mga pangunahing antolohiya ng maiikling kuwentong niya—ang Bugso: Maiikling Katha 1954-1964 (1993), Mga Agos sa Disyerto (1964, 1974, 1993, 2010), Sigwa (1972, 2007) at Plakard (2019). Mula sa pakikipagpanayam mismo kay Abueg, at sa pangangalap ng mga materyal patungkol sa kaniya at kaniyang mga isinulat, pinagtagpi-tagpi ang mga natipon upang makabuo ng isang salaysay-buhay na higit na nagtatampok hindi lamang kay Abueg bilang isang prolipiko at mahalagang manunulat sa kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas, kundi pati na ang kasaysayan ng lipunang humubog sa kaniyang panulat. Sa pamamagitan ng proyekto, mas mailalapit sa mga mambabasa ang buhay at mga akda ni Abueg bago at pagkatapos ng Agos. Kaugnay nito, maaari itong makahikayat sa mga nasa larangan ng akademya upang maisalang pa sa iba’t ibang pag-aaral ang mga akda ni Abueg.
format text
author Morales, Deidre R
author_facet Morales, Deidre R
author_sort Morales, Deidre R
title Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg
title_short Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg
title_full Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg
title_fullStr Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg
title_full_unstemmed Bugso, agos, at sigwa: Pampanitikang talambuhay ni Efren R. Abueg
title_sort bugso, agos, at sigwa: pampanitikang talambuhay ni efren r. abueg
publisher Animo Repository
publishDate 2024
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdm_lit/21
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etdm_lit/article/1021/viewcontent/2024_Morales_Bugso_Agos_at_Sigwa__Pampanitikang_Talambuhay_ni_Efren_R._Abueg.pdf
_version_ 1821121502846648320