Anak, mag-anak at magkakamag-anak: Mula sa pagmamalay hanggang sa pagwawalay

Sa sikolingwistika sinuri ang salitang anak/c sampu ng mga kakabit nitong katagang mag-anak at magkakamag-anak/an. Sinusugan pa itong pag-aaral ng etimolohiya na anak/c, ng ilang empiriking ebidensiya na kinalap naman gamit ang metodong pagtatanong-tanong sa Sikolohiyang Pilipino. Nailarawan sa pag-...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Javier, Roberto E., Jr.
Format: text
Published: Animo Repository 2015
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/faculty_research/12775
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Sa sikolingwistika sinuri ang salitang anak/c sampu ng mga kakabit nitong katagang mag-anak at magkakamag-anak/an. Sinusugan pa itong pag-aaral ng etimolohiya na anak/c, ng ilang empiriking ebidensiya na kinalap naman gamit ang metodong pagtatanong-tanong sa Sikolohiyang Pilipino. Nailarawan sa pag-aaral na ito ang anak/c ang siyang nagbubuklod sa isang lipon na sinimulan ng mag-asawa. Sa pagsilang nga ng anak nagkakaroon ng isang mag-anak kung saan umuusbong ang mga ugnayang magkamag-anak, magkakamag-anak/an. Naipagpapatuloy sa pagmamagulang ang pagmamag-anak sa pag-uulit ng mga ritwal na nagpapatibay ng relasyon ng bawat isang iniugnay nito sa mga behebyur na higit na may pagkiling sa buting dulot sa anak o sa bata tulad ng aruga, alaga, kalinga, pati binyag. Naka-ugat pa sa utang ng loob ang ugnayan at unawa ng anak sa magulang, ng kanyang mga magulang sa mga ninuno nila at sa buong sangkamag-anakan. Umuusbong sa parati kahit pa sa mabilis na modernisasyon ang pagbuo ng mag-anak na ang sentro nga nito ay anak o bata.