Pampanitikang Gawain ang Pagsasalin
Binibigyang-diin sa maikling pagtalakay na ito na ang pagsasaling pampanitikan ay isang pampanitikang gawain. Kaugnay kung hindi man tunay na isang sangay ng mga araling pampanitikan ang pagsasalin. Lampas sa tumbasan ng mga salita o parirala, higit sa paghanap ng literal na kahulugan o praktikal na...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Published: |
Archīum Ateneo
2018
|
Subjects: | |
Online Access: | https://archium.ateneo.edu/filipino-faculty-pubs/97 https://archium.ateneo.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1096&context=filipino-faculty-pubs |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | Ateneo De Manila University |
Summary: | Binibigyang-diin sa maikling pagtalakay na ito na ang pagsasaling pampanitikan ay isang pampanitikang gawain. Kaugnay kung hindi man tunay na isang sangay ng mga araling pampanitikan ang pagsasalin. Lampas sa tumbasan ng mga salita o parirala, higit sa paghanap ng literal na kahulugan o praktikal na aral ng teksto, ang pampanitikang pagsasalin ay nakatuon sa pagkapanitikan ng panitikan. Ito ang dahilan kung bakit para kay Clifford E. Landers ay mahirap ipatanggap o ipaunawa sa maraming nasa larang ng pragmatikong pagsasalin ang pagsasaling pampanitikan. Hindi ang ibig sabihin lamang ang mahalaga, madalas na mas mahalaga pa ang paraan ng pagsasabi. Wika nga niya, “One of the most difficult concepts about literary translation to convey to those who have never seriously attempted it—including practitioners in areas such as technical and commercial translation—is that how one says something can be as important, sometimes more important, than what one says...” (Ang isa sa pinakamahirap ipatanggap na konsepto tungkol sa pagsasaling pampanitikan sa mga hindi pa dibdibang sumusubok nito—kabilang na ang mga nagsasalin sa larang na teknikal at komersiyal—ay ang pangyayaring kasinghalaga ng paraan ng pagsasabi, at higit na mahalaga pa nga kung minsan, ang sinasabi.) |
---|