Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas.

ABSTRAK Pangalan ng institusyon: De La Salle University-Dasmariñas Adres: Bgy. Sta. Fe, Bagong Bayan, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite Pamagat: Ang Kapamilya Kong Adik: Saloobin at Pagtanggap sa Kapamilyang Naligaw ng Landas May akda: Mariz C. Baytan Ma. Angelica E. Ellaga Pinagkunan ng pondo:...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Authors: Baytan, Mariz C., Ellaga, Ma. Angelica E.
Format: Theses and Dissertations NonPeerReviewed
Published: 2012
Subjects:
Online Access:http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/1/BaytanEllaga%20...%20-%20Adik.pdf
http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:ABSTRAK Pangalan ng institusyon: De La Salle University-Dasmariñas Adres: Bgy. Sta. Fe, Bagong Bayan, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite Pamagat: Ang Kapamilya Kong Adik: Saloobin at Pagtanggap sa Kapamilyang Naligaw ng Landas May akda: Mariz C. Baytan Ma. Angelica E. Ellaga Pinagkunan ng pondo: Magulang at kapatid Halaga: P8000 Petsa ng simula: Hunyo 2011 Petsa kung kailan natapos: Hunyo 2012 7 Layunin: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makapagbigay ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa mga pamilya ng indibidwal na nagumon sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nilalayon nitong mailahad ang mga saloobin, karanasan at coping strategies ng mga pamilyang may miyembrong nagumon sa ipinagbabawal na gamot nang sa gayon ay mapalawak ang kaalaman ng mas nakararami tungo sa ganap na pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon. Saklaw at Limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa saloobin at karanasan ng mga pamilya ng taong nang-aabuso ng bawal na gamot. Ang pamilyang kinapanayam ng mga mananaliksik ay ang mga taong nagkaroon ng ugnayan at naapektuhan sa paggamit ng bawal na gamot ng taong kasangkot dito. Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang karanasan at perspektibo ng mga indibidwal na mismong gumamit at nagumon sa bawal na gamot. Metodolohiya: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraang purposive sampling sa pagpili sa mga kalahok sa pag-aaral. Ang purposive sampling ay tinatawag din na judgmental sampling na isang uri ng non-probability method na ginagamit sa isang sitwasyon kung saan mahirap matukoy ang isang eksakto o tiyak na sirkumstansya, at ang isa 8 pang gamit nito ay pagpili ng mga iba't ibang uri ng suliranin upang mas mapalalim ang imbestigasyon (Blaike, 2000). Pangunahing resulta: Magkakahalong emosyon at saloobin ang naramdaman ng mga kalahok ng malaman nila ang hindi magandang gawain ng kanilang kapamilya. Ngunit mas pinili nilang harapin ito nang tulong-tulong at may pananalig sa Diyos. Hindi pa man ganap at lubos ang pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon, malaki ang naitutulong ng pagpapalakas ng loob at suportang nagmumula sa mga kaanak at mga kaibigan. Kongklusyon: Takot, galit, pagkabahala, pagkabigo at feeling of in-denial ang mga pangunahing saloobin ng mga kalahok sa isinagawang pag-aaral. Ito ay sapagkat hindi nila lubos akalain na masasangkot ang kanilang kapamilya sa pag-abuso ng ipinagbabawal na gamot. Hindi naging madali para sa mga pamilya na tanggapin ang sitwasyon na kinasangkutan ng kanilang kapamilya. Bagkus, noong una, sila ay naging in-denial o nagkaroon ng pagtanggi o pagkaila sa katotohanan ngunit sa halip na sumuko ay pinilit nila na magpatuloy at tulong-tulong na harapin ang sitwasyon na ito sa kanilang buhay. Natagpuan din sa pag-aaral na ito na pinananatili nila ang kanilang 9 pananampalataya at pananalangin sa Diyos sa kabila ng sitwasyong kanilang kinakaharap. Lumabas din sa pag-aaral na nakatutulong din sa mga pamilyang ito ang pagpapalakas ng loob at pag-unawa mula sa mga kaanak at kaibigan. Hati naman ang saloobin ng mga kalahok sa paraan ng pagharap nila sa pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon. Ang ilang kalahok ay tahasang naglabas ng saloobin na wala silang pakialam sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao laban sa kanila. Ngunit positibong inihayag ng mga kalahok na wala silang nakitang pagbabago sa pakikitungo sa kanila ng ibang tao sa kabila ng kanilang sitwasyon. Rekomendasyon: Pamahalaan. Iminumungkahi ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na magtaguyod ng mga programang makapagpapaunlad at makapagpapalawak ng kaalaman ng mamamayan patungkol sa masamang dulot ng paggamit at labis na pananangan sa anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Gayundin ay palakasin pa ang mga batas at alituntunin laban dito. Mamamayan. Mainam kung makikipag-ugnayan at makikiisa sa mga programa at alituntunin ng pamahalaan nang sa gayon ay tuluyan nang masugpo at matigil ang pagbenta, pagbili, paggamit at paglaganap ng anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Iminumungkahi 10 din ang pakikipagtulungan sa mga alagad ng batas kung sakaling makasasaksi o makaaalam ng anumang ilegal na transaksyon o kalakalan na may kinalaman sa anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Mga Magulang. Bilang malaking papel ang ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng pagkakakilanlan at pagkatao ng kanilang mga anak, iminumungkahi ng mga mananaliksik na mas patnubayan ang mga anak at iba pang miyembro ng pamilya. Siguruhing may sapat na oras at atensyon na nailalaan sa bawat miyembro ng pamilya lalo na sa mga anak. Iminumungkahi din na panatilihing bukas ang komunikasyon, lalo na para sa mga anak na kabataan. Mainam din kung kikilalanin mabuti ang mga kaibigan at sinasamahan ng mga anak upang makasiguro na hindi maling barkada ang nakaiimpluwensya sa mga anak. Mag-aaral. Sa mas ikatatagumpay ng tunguhin ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagkalap ng mas maraming kalahok o respondent sa pag-aaral upang mas mapatibay ang pagkabalido (validity) ng mga datos ng pag-aaral. Gayon din ay gawing bahagi ng pananaliksik ang mga pamilya ng mga indibidwal na nagumon sa ipinagbabawal na gamot ngunit hindi residente ng isang sentro ng rehabilitasyon. Iminumungkahi rin kung makakapanayam ang 11 mga batang anak ng mga indibidwal na ito upang malaman ang kanilang saloobin at coping mechanisms sa kanilang murang edad at pag-iisip.