Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas.
ABSTRAK Pangalan ng institusyon: De La Salle University-Dasmariñas Adres: Bgy. Sta. Fe, Bagong Bayan, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite Pamagat: Ang Kapamilya Kong Adik: Saloobin at Pagtanggap sa Kapamilyang Naligaw ng Landas May akda: Mariz C. Baytan Ma. Angelica E. Ellaga Pinagkunan ng pondo:...
Saved in:
Main Authors: | , |
---|---|
Format: | Theses and Dissertations NonPeerReviewed |
Published: |
2012
|
Subjects: | |
Online Access: | http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/1/BaytanEllaga%20...%20-%20Adik.pdf http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/ |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
id |
ph-dlsud-lib.1440 |
---|---|
record_format |
eprints |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
country |
Philippines |
collection |
DLSU Institutional Repository |
topic |
BF Psychology HN Social history and conditions. Social problems. Social reform HQ The family. Marriage. Woman HT Communities. Classes. Races |
spellingShingle |
BF Psychology HN Social history and conditions. Social problems. Social reform HQ The family. Marriage. Woman HT Communities. Classes. Races Baytan, Mariz C. Ellaga, Ma. Angelica E. Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
description |
ABSTRAK
Pangalan ng institusyon: De La Salle University-Dasmariñas
Adres: Bgy. Sta. Fe, Bagong Bayan, Lungsod
ng Dasmariñas, Cavite
Pamagat: Ang Kapamilya Kong Adik: Saloobin at
Pagtanggap sa Kapamilyang Naligaw
ng Landas
May akda: Mariz C. Baytan
Ma. Angelica E. Ellaga
Pinagkunan ng pondo: Magulang at kapatid
Halaga: P8000
Petsa ng simula: Hunyo 2011
Petsa kung kailan natapos: Hunyo 2012
7
Layunin: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang
makapagbigay ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa mga
pamilya ng indibidwal na nagumon sa paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. Nilalayon nitong mailahad ang mga saloobin, karanasan at coping
strategies ng mga pamilyang may miyembrong nagumon sa
ipinagbabawal na gamot nang sa gayon ay mapalawak ang kaalaman ng
mas nakararami tungo sa ganap na pagtanggap ng lipunan sa kanilang
sitwasyon.
Saklaw at Limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa
saloobin at karanasan ng mga pamilya ng taong nang-aabuso ng bawal
na gamot. Ang pamilyang kinapanayam ng mga mananaliksik ay ang mga
taong nagkaroon ng ugnayan at naapektuhan sa paggamit ng bawal na
gamot ng taong kasangkot dito. Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang
karanasan at perspektibo ng mga indibidwal na mismong gumamit at
nagumon sa bawal na gamot.
Metodolohiya: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraang
purposive sampling sa pagpili sa mga kalahok sa pag-aaral. Ang
purposive sampling ay tinatawag din na judgmental sampling na isang uri
ng non-probability method na ginagamit sa isang sitwasyon kung saan
mahirap matukoy ang isang eksakto o tiyak na sirkumstansya, at ang isa
8
pang gamit nito ay pagpili ng mga iba't ibang uri ng suliranin upang mas
mapalalim ang imbestigasyon (Blaike, 2000).
Pangunahing resulta: Magkakahalong emosyon at saloobin ang
naramdaman ng mga kalahok ng malaman nila ang hindi magandang
gawain ng kanilang kapamilya. Ngunit mas pinili nilang harapin ito nang
tulong-tulong at may pananalig sa Diyos. Hindi pa man ganap at lubos
ang pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon, malaki ang naitutulong
ng pagpapalakas ng loob at suportang nagmumula sa mga kaanak at mga
kaibigan.
Kongklusyon: Takot, galit, pagkabahala, pagkabigo at feeling
of in-denial ang mga pangunahing saloobin ng mga kalahok sa
isinagawang pag-aaral. Ito ay sapagkat hindi nila lubos akalain na
masasangkot ang kanilang kapamilya sa pag-abuso ng ipinagbabawal na
gamot.
Hindi naging madali para sa mga pamilya na tanggapin ang
sitwasyon na kinasangkutan ng kanilang kapamilya. Bagkus, noong una,
sila ay naging in-denial o nagkaroon ng pagtanggi o pagkaila sa
katotohanan ngunit sa halip na sumuko ay pinilit nila na magpatuloy at
tulong-tulong na harapin ang sitwasyon na ito sa kanilang buhay.
Natagpuan din sa pag-aaral na ito na pinananatili nila ang kanilang
9
pananampalataya at pananalangin sa Diyos sa kabila ng sitwasyong
kanilang kinakaharap. Lumabas din sa pag-aaral na nakatutulong din sa
mga pamilyang ito ang pagpapalakas ng loob at pag-unawa mula sa mga
kaanak at kaibigan.
Hati naman ang saloobin ng mga kalahok sa paraan ng pagharap
nila sa pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon. Ang ilang kalahok
ay tahasang naglabas ng saloobin na wala silang pakialam sa kung
anuman ang sasabihin ng ibang tao laban sa kanila. Ngunit positibong
inihayag ng mga kalahok na wala silang nakitang pagbabago sa
pakikitungo sa kanila ng ibang tao sa kabila ng kanilang sitwasyon.
Rekomendasyon: Pamahalaan. Iminumungkahi ng mga
mananaliksik ng pag-aaral na ito na magtaguyod ng mga programang
makapagpapaunlad at makapagpapalawak ng kaalaman ng mamamayan
patungkol sa masamang dulot ng paggamit at labis na pananangan sa
anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Gayundin ay palakasin pa ang
mga batas at alituntunin laban dito.
Mamamayan. Mainam kung makikipag-ugnayan at
makikiisa sa mga programa at alituntunin ng pamahalaan nang sa gayon
ay tuluyan nang masugpo at matigil ang pagbenta, pagbili, paggamit at
paglaganap ng anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Iminumungkahi
10
din ang pakikipagtulungan sa mga alagad ng batas kung sakaling
makasasaksi o makaaalam ng anumang ilegal na transaksyon o kalakalan
na may kinalaman sa anumang uri ng ipinagbabawal na gamot.
Mga Magulang. Bilang malaking papel ang
ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng pagkakakilanlan at
pagkatao ng kanilang mga anak, iminumungkahi ng mga mananaliksik na
mas patnubayan ang mga anak at iba pang miyembro ng pamilya.
Siguruhing may sapat na oras at atensyon na nailalaan sa bawat
miyembro ng pamilya lalo na sa mga anak. Iminumungkahi din na
panatilihing bukas ang komunikasyon, lalo na para sa mga anak na
kabataan. Mainam din kung kikilalanin mabuti ang mga kaibigan at
sinasamahan ng mga anak upang makasiguro na hindi maling barkada
ang nakaiimpluwensya sa mga anak.
Mag-aaral. Sa mas ikatatagumpay ng tunguhin ng
pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagkalap ng
mas maraming kalahok o respondent sa pag-aaral upang mas mapatibay
ang pagkabalido (validity) ng mga datos ng pag-aaral. Gayon din ay
gawing bahagi ng pananaliksik ang mga pamilya ng mga indibidwal na
nagumon sa ipinagbabawal na gamot ngunit hindi residente ng isang
sentro ng rehabilitasyon. Iminumungkahi rin kung makakapanayam ang
11
mga batang anak ng mga indibidwal na ito upang malaman ang kanilang
saloobin at coping mechanisms sa kanilang murang edad at pag-iisip. |
format |
Theses and Dissertations NonPeerReviewed |
author |
Baytan, Mariz C. Ellaga, Ma. Angelica E. |
author_facet |
Baytan, Mariz C. Ellaga, Ma. Angelica E. |
author_sort |
Baytan, Mariz C. |
title |
Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
title_short |
Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
title_full |
Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
title_fullStr |
Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
title_full_unstemmed |
Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
title_sort |
ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. |
publishDate |
2012 |
url |
http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/1/BaytanEllaga%20...%20-%20Adik.pdf http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/ |
_version_ |
1681502589722558464 |
spelling |
ph-dlsud-lib.14402016-02-01T01:53:34Z Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. Baytan, Mariz C. Ellaga, Ma. Angelica E. BF Psychology HN Social history and conditions. Social problems. Social reform HQ The family. Marriage. Woman HT Communities. Classes. Races ABSTRAK Pangalan ng institusyon: De La Salle University-Dasmariñas Adres: Bgy. Sta. Fe, Bagong Bayan, Lungsod ng Dasmariñas, Cavite Pamagat: Ang Kapamilya Kong Adik: Saloobin at Pagtanggap sa Kapamilyang Naligaw ng Landas May akda: Mariz C. Baytan Ma. Angelica E. Ellaga Pinagkunan ng pondo: Magulang at kapatid Halaga: P8000 Petsa ng simula: Hunyo 2011 Petsa kung kailan natapos: Hunyo 2012 7 Layunin: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makapagbigay ng mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa mga pamilya ng indibidwal na nagumon sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nilalayon nitong mailahad ang mga saloobin, karanasan at coping strategies ng mga pamilyang may miyembrong nagumon sa ipinagbabawal na gamot nang sa gayon ay mapalawak ang kaalaman ng mas nakararami tungo sa ganap na pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon. Saklaw at Limitasyon: Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa saloobin at karanasan ng mga pamilya ng taong nang-aabuso ng bawal na gamot. Ang pamilyang kinapanayam ng mga mananaliksik ay ang mga taong nagkaroon ng ugnayan at naapektuhan sa paggamit ng bawal na gamot ng taong kasangkot dito. Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang karanasan at perspektibo ng mga indibidwal na mismong gumamit at nagumon sa bawal na gamot. Metodolohiya: Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraang purposive sampling sa pagpili sa mga kalahok sa pag-aaral. Ang purposive sampling ay tinatawag din na judgmental sampling na isang uri ng non-probability method na ginagamit sa isang sitwasyon kung saan mahirap matukoy ang isang eksakto o tiyak na sirkumstansya, at ang isa 8 pang gamit nito ay pagpili ng mga iba't ibang uri ng suliranin upang mas mapalalim ang imbestigasyon (Blaike, 2000). Pangunahing resulta: Magkakahalong emosyon at saloobin ang naramdaman ng mga kalahok ng malaman nila ang hindi magandang gawain ng kanilang kapamilya. Ngunit mas pinili nilang harapin ito nang tulong-tulong at may pananalig sa Diyos. Hindi pa man ganap at lubos ang pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon, malaki ang naitutulong ng pagpapalakas ng loob at suportang nagmumula sa mga kaanak at mga kaibigan. Kongklusyon: Takot, galit, pagkabahala, pagkabigo at feeling of in-denial ang mga pangunahing saloobin ng mga kalahok sa isinagawang pag-aaral. Ito ay sapagkat hindi nila lubos akalain na masasangkot ang kanilang kapamilya sa pag-abuso ng ipinagbabawal na gamot. Hindi naging madali para sa mga pamilya na tanggapin ang sitwasyon na kinasangkutan ng kanilang kapamilya. Bagkus, noong una, sila ay naging in-denial o nagkaroon ng pagtanggi o pagkaila sa katotohanan ngunit sa halip na sumuko ay pinilit nila na magpatuloy at tulong-tulong na harapin ang sitwasyon na ito sa kanilang buhay. Natagpuan din sa pag-aaral na ito na pinananatili nila ang kanilang 9 pananampalataya at pananalangin sa Diyos sa kabila ng sitwasyong kanilang kinakaharap. Lumabas din sa pag-aaral na nakatutulong din sa mga pamilyang ito ang pagpapalakas ng loob at pag-unawa mula sa mga kaanak at kaibigan. Hati naman ang saloobin ng mga kalahok sa paraan ng pagharap nila sa pagtanggap ng lipunan sa kanilang sitwasyon. Ang ilang kalahok ay tahasang naglabas ng saloobin na wala silang pakialam sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao laban sa kanila. Ngunit positibong inihayag ng mga kalahok na wala silang nakitang pagbabago sa pakikitungo sa kanila ng ibang tao sa kabila ng kanilang sitwasyon. Rekomendasyon: Pamahalaan. Iminumungkahi ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na magtaguyod ng mga programang makapagpapaunlad at makapagpapalawak ng kaalaman ng mamamayan patungkol sa masamang dulot ng paggamit at labis na pananangan sa anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Gayundin ay palakasin pa ang mga batas at alituntunin laban dito. Mamamayan. Mainam kung makikipag-ugnayan at makikiisa sa mga programa at alituntunin ng pamahalaan nang sa gayon ay tuluyan nang masugpo at matigil ang pagbenta, pagbili, paggamit at paglaganap ng anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Iminumungkahi 10 din ang pakikipagtulungan sa mga alagad ng batas kung sakaling makasasaksi o makaaalam ng anumang ilegal na transaksyon o kalakalan na may kinalaman sa anumang uri ng ipinagbabawal na gamot. Mga Magulang. Bilang malaking papel ang ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng pagkakakilanlan at pagkatao ng kanilang mga anak, iminumungkahi ng mga mananaliksik na mas patnubayan ang mga anak at iba pang miyembro ng pamilya. Siguruhing may sapat na oras at atensyon na nailalaan sa bawat miyembro ng pamilya lalo na sa mga anak. Iminumungkahi din na panatilihing bukas ang komunikasyon, lalo na para sa mga anak na kabataan. Mainam din kung kikilalanin mabuti ang mga kaibigan at sinasamahan ng mga anak upang makasiguro na hindi maling barkada ang nakaiimpluwensya sa mga anak. Mag-aaral. Sa mas ikatatagumpay ng tunguhin ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pagkalap ng mas maraming kalahok o respondent sa pag-aaral upang mas mapatibay ang pagkabalido (validity) ng mga datos ng pag-aaral. Gayon din ay gawing bahagi ng pananaliksik ang mga pamilya ng mga indibidwal na nagumon sa ipinagbabawal na gamot ngunit hindi residente ng isang sentro ng rehabilitasyon. Iminumungkahi rin kung makakapanayam ang 11 mga batang anak ng mga indibidwal na ito upang malaman ang kanilang saloobin at coping mechanisms sa kanilang murang edad at pag-iisip. 2012 Thesis NonPeerReviewed text http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/1/BaytanEllaga%20...%20-%20Adik.pdf Baytan, Mariz C. and Ellaga, Ma. Angelica E. (2012) Ang kapamilya kong adik: saloobin at pagtanggap sa kapamilyang naligaw ng landas. Undergraduate thesis, De La Salle University-Dasmarinas. http://thesis.dlsud.edu.ph/1440/ |