Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya)
Nilalayon ng pag - aaral na matukoy kung paano maimamapa ang iba’t ibang kaparaanan ng pag - aatikha na nag - uugnay sa mga pagkain, inumin at ritwal sa bayan ng Lucban, Tayabas, at Sariaya. Sinikap ng mananaliksik na dalumatin ang pag - aatikha sa pamamagitan ng “Social Action Theory” ni Weber at “...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/2 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1002&context=etdd_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-1002 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdd_fil-10022021-09-08T06:41:22Z Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) Villalon, Maridel D. Nilalayon ng pag - aaral na matukoy kung paano maimamapa ang iba’t ibang kaparaanan ng pag - aatikha na nag - uugnay sa mga pagkain, inumin at ritwal sa bayan ng Lucban, Tayabas, at Sariaya. Sinikap ng mananaliksik na dalumatin ang pag - aatikha sa pamamagitan ng “Social Action Theory” ni Weber at “Forms of Resistance” ni Scott bilang batayan kung kaya nabuo ang internal at eksternal na salik ng pag - aatikha. Ginamit ng mananaliksik ang kuwalitatibo - deskriptibong disenyo ng pananaliksik at food mapping bilang metodo ng pananaliksik. Ginawang batayan ng mananaliksik ang inclusion criteria ng lokalidad na napiling pag - aralan, pagkain, inumin at piling tagasagot. Nagkaroon ng key informant interview at pakikipagkuwentuhan na nakabatay sa semi - structured interview. Kaalinsabay nito ang paglalakip ng consent form, pagsasagawa ng initial coding at pag - aanalisa ng mananaliksik sa nilalaman ng datos. Napatunayan na ang pag - aatikha ay isang pagkilos upang magkaroon sa likod ng kawalan. Ang pagsisikap ng mga nakapanayam na inabot ang panahon ng Hapon upang makakain at manatiling buhay; pagkakasangkapan ng mga tagalinang na matatagpuan sa paligid upang may maipanlaman sa sikmura at ang pagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan upang mairaos ang pagluluto ay nagresulta sa mga pagkain na sadyang inihahain upang makaraos. Bilang karagdagan, ang pagtalima sa mga ritwal ng mga tagalinang upang magkaroon na tumutugon sa pangunahing pangangailangan katulad ng salapi ay kabilang din sa eksternal na pag - aatikha bilang salik. Samantala, ang pagsunod ng mga tagalinang sa ritwal na kaugnay ng mga pagkain at inumin ay nagbibigay ng pinaniniwalaang suwerte, kagamutan sa karamdaman, at pagtupad sa minimithi. Ang pagkakaroon ng sariling bersyon ng libangan, pagkain, ritwal ng mga tagalinang, (hinango sa tagabayan upang magkaroon ng pagkakapantay) at ang iba’t ibang pamamaraan ng mga tagapagtaguyod ng lokal na pagkain at inumin sa pagtataguyod ng mga ito dahil sa kanilang adbokasiya kahit ang ilan ay nakaranas na hindi paniwalaan ay maibibilang sa internal na pag - aatikha bilang salik. Ito ay dahil sa pagkakamit ng abstraktong minimithi na nagsisilbing kapanatagan upang maipagpatuloy ang buhay. Sa kabuoan, ang pag - aatikha ay nagsisilbing kalakasan at paraan ng pagbalikwas sa kahirapan o hindi pagkakapantay - pantay ng marhinalisadong pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng pagsisikap makamit ang kongkretong bagay o abstraktong minimithi. Susing Konsepto: Pag - aatikha, internal na salik ng pag - aatikha, eksternal na salik ng pag - aatikha, lokal na pagkain, inumin at ritwal 2021-01-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/2 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1002&context=etdd_fil Filipino Dissertations Filipino Animo Repository Local foods Beverages Ritual--Quezon Province--Philippines Food and Beverage Management |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Local foods Beverages Ritual--Quezon Province--Philippines Food and Beverage Management |
spellingShingle |
Local foods Beverages Ritual--Quezon Province--Philippines Food and Beverage Management Villalon, Maridel D. Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) |
description |
Nilalayon ng pag - aaral na matukoy kung paano maimamapa ang iba’t ibang kaparaanan ng pag - aatikha na nag - uugnay sa mga pagkain, inumin at ritwal sa bayan ng Lucban, Tayabas, at Sariaya. Sinikap ng mananaliksik na dalumatin ang pag - aatikha sa pamamagitan ng “Social Action Theory” ni Weber at “Forms of Resistance” ni Scott bilang batayan kung kaya nabuo ang internal at eksternal na salik ng pag - aatikha. Ginamit ng mananaliksik ang kuwalitatibo - deskriptibong disenyo ng pananaliksik at food mapping bilang metodo ng pananaliksik. Ginawang batayan ng mananaliksik ang inclusion criteria ng lokalidad na napiling pag - aralan, pagkain, inumin at piling tagasagot. Nagkaroon ng key informant interview at pakikipagkuwentuhan na nakabatay sa semi - structured interview. Kaalinsabay nito ang paglalakip ng consent form, pagsasagawa ng initial coding at pag - aanalisa ng mananaliksik sa nilalaman ng datos.
Napatunayan na ang pag - aatikha ay isang pagkilos upang magkaroon sa likod ng kawalan. Ang pagsisikap ng mga nakapanayam na inabot ang panahon ng Hapon upang makakain at manatiling buhay; pagkakasangkapan ng mga tagalinang na matatagpuan sa paligid upang may maipanlaman sa sikmura at ang pagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan upang mairaos ang pagluluto ay nagresulta sa mga pagkain na sadyang inihahain upang makaraos. Bilang karagdagan, ang pagtalima sa mga ritwal ng mga tagalinang upang magkaroon na tumutugon sa pangunahing pangangailangan katulad ng salapi ay kabilang din sa eksternal na pag - aatikha bilang salik.
Samantala, ang pagsunod ng mga tagalinang sa ritwal na kaugnay ng mga pagkain at inumin ay nagbibigay ng pinaniniwalaang suwerte, kagamutan sa karamdaman, at pagtupad sa minimithi. Ang pagkakaroon ng sariling bersyon ng libangan, pagkain, ritwal ng mga tagalinang, (hinango sa tagabayan upang magkaroon ng pagkakapantay) at ang iba’t ibang pamamaraan ng mga tagapagtaguyod ng lokal na pagkain at inumin sa pagtataguyod ng mga ito dahil sa kanilang adbokasiya kahit ang ilan ay nakaranas na hindi paniwalaan ay maibibilang sa internal na pag - aatikha bilang salik. Ito ay dahil sa pagkakamit ng abstraktong minimithi na nagsisilbing kapanatagan upang maipagpatuloy ang buhay. Sa kabuoan, ang pag - aatikha ay nagsisilbing kalakasan at paraan ng pagbalikwas sa kahirapan o hindi pagkakapantay - pantay ng marhinalisadong pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng pagsisikap makamit ang kongkretong bagay o abstraktong minimithi.
Susing Konsepto: Pag - aatikha, internal na salik ng pag - aatikha, eksternal na salik ng pag - aatikha, lokal na pagkain, inumin at ritwal |
format |
text |
author |
Villalon, Maridel D. |
author_facet |
Villalon, Maridel D. |
author_sort |
Villalon, Maridel D. |
title |
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) |
title_short |
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) |
title_full |
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) |
title_fullStr |
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) |
title_full_unstemmed |
Pag-aatikha: Pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa Quezon (Lucban, Tayabas, at Sariaya) |
title_sort |
pag-aatikha: pagmamapa sa mga piling pagkain at inumin sa quezon (lucban, tayabas, at sariaya) |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2021 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdd_fil/2 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1002&context=etdd_fil |
_version_ |
1710755606802989056 |