Ang paglalayag ng One Piece sa mundo: Ang pagsasalin ng manga gamit ang opisyal na bersyon at scanlation

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsasalin ng manga gamit ang opisyal na bersyong salin at scanlation ng unang tomo ng One Piece Manga sa Filipino na may pamagat na Romance Dawn. Ang tatlong pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makapagsalin at matukoy ang proceso ng pagsasalin, mailarawan a...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Suarez, Gian Paulo
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2872
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagsasalin ng manga gamit ang opisyal na bersyong salin at scanlation ng unang tomo ng One Piece Manga sa Filipino na may pamagat na Romance Dawn. Ang tatlong pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makapagsalin at matukoy ang proceso ng pagsasalin, mailarawan ang mga suliraning kinaharap at kung paano ito sinolusyonan, at mailahad ang mga estilong angkop para sa pagsasalin ng isang tekstong Manga. Isinagawa ang pagtugon sa mga layuning ito sa pamamagitan ng aktwal na pagsasalin at pagsusuri sa prosesong pinagdaanan nito. Ginamit bilang lente sa pagsusuri ng salin ang mga konseptong may kinalaman sa pagsasalin, anime, at manga. Inilapat ang mga teoryang Meaning-based Translation ni Mildred Larson at Skopos ni Hans Vermeer upang maging gabay sa salitang ginawa. Samantala, inilapat naman ang 18 teknik ng pagsasalin ni Peter Newmark upang maipakita ang mga estilo ng pagsasaling lumitaw mula sa isinagawang pagsasalin.